Advertisers

Advertisers

2 manggagawa pinatay sa away sa lupa

0 473

Advertisers

CENTRAL MINDANAO – Awayan sa lupa ang natatanaw ng mga otoridad na motibo sa pamamaril patay ng dalawang laborer sa probinsya ng Cotabato.

Kinilala ang mga biktima na sina Rufo Angelika, 50 anyos, may asawa, PWD, residente ng Barangay Tibao M’lang Cotabato; at Sinon Simpino, 51 anyos, may asawa at nakatira sa Barangay Greenhills President Roxas Cotabato.

Ayon kay Mlang Chief of Police Lieutenant Colonel Realan Mamon na habang nagtratrabaho ang mga biktima sa sakahan na pagmamay-ari ni Jun Nietes sa Barangay Tibao at hangganan ng Barangay New Antique sa bayan ng M’lang, bigla na lamang sumulpot ang mga hindi kilalang armadong kalalakihan at pinagbabaril ang mga ito gamit ang mga matataas na uri ng armas.



Agad namang tumakas ang mga salarin patungo sa liblib na lugar sa bayan ng M’lang.

Patay on the spot ang mga biktima nang magtamo ng maraming tama ng bala sa iba’t-ibang parte ng katawan.