Advertisers

Advertisers

Binatilyo, missing nang anurin sa creek

0 228

Advertisers

Apat na araw nang nawawala ang 16-anyos na lalaki nang tangayin ng malakas na agos ng tubig sa isang creek sa Caloocan City. Ang binatilyo, tinangka raw sagipin ng mas bata sa kaniya pero isinakripisyo na ang sarili nang pareho na silang nalulunod.

Sa ulat, sinabing naligo sa ilog sa Barangay 170 ang biktimang si Kristan Bautista, kasama ang iba pang kabataan noong Sabado habang bumubuhos ang ulan na dala ng bagyong Lannie.

Kuwento ni JC Bautista, saksi sa insidente, isang mas batang kalaro ang nagtangkang sumagip kay Kristan pero nalagay din sa peligro ang buhay nito.



“Nung pagkalubog ng bata, inangat ni Kristan, hinawakan niya sa may tuhod tapos hinagis niya po sa may mababaw. Nakaligtas po ‘yung bata, siya inagos na po,” ayon kay JC.

“Sana makita na po, sana po may maawang tumulong po sa amin. Makita lang po ng personal yung bata kahit ano pong mangyari,” pakiusap ng ina.

Sinabi naman ng mga opisyal ng barangay na gagawa pa sila ng hakbang para maiwasan ang naturang insidente sa ilog na ikalawang beses na umano sa loob ng apat na taon.