Advertisers
LEGAZPI – Napasakamay na ng mga awtoridad ang Rank 2 City Most Wanted Person ng Tabaco na wanted sa kasong paglabag sa batas kontra iligal na droga, makaraang maihain sa kanya ang “Warrant of Arrest”.
Kinilala ang akusado sa pangalang “Jo”, 49 anyos, may asawa, at residente ng Purok 6, Nagsipit, Mariroc, Tabaco City.
Sa ulat, nahuli ang suspek nang ipalabas ang mandamiente de aresto na may petsang Setyembre 10, 2021 para sa paglabag sa “Section 5, Art 11, ng RA 9165” sa limang magkakaibang criminal case.
Samantalang may kabuuhan naman na P240,000 na rekomendadong pyansa at may karampatang pang pagkakakulong.
Matapos maipabatid sa akusado ang kanyang karapatan sa ilalim ng saligang batas, agad naman itong dinala sa himpilan ng Tabaco CPS para sa kaukulang dokumentasyon at disposisyon.