Advertisers

Advertisers

Nene niluray sa babuyan ng totoy

0 451

Advertisers

ASTURIAS, CEBU – Maagang nasira ang kinabukasan ng 9-anyos na nene nang gahasain ng 13-anyos na totoy na kapitbahay nitong nakalipas na Lunes, Oktubre 4.

Nadakip ang suspek na itinago sa pangalang Buboy at kasalukuyan nasa kustodiya ng City Social Welfare and Development.

Ayon kay major Gilfred Baroman, hepe ng Asturias Police Station, Lunes ng madaling-araw naganap ang panggagahasa sa may babuyan ng pamilya ng biktima.



Kuwento ni Nena (di-tunay na pangalan) nagtungo siya sa kanilang babuyan ng bigla na lamang dumating ang suspek at sapilitan siyang hinubaran saka ginahasa.

Sinabi niya na pagkatapos ng suspek, agad itong umalis na parang walang nangyari kaya agad naman nagsumbong ang biktima sa kanyang mga magulang.

Agad na sinamahan ang biktima ng kanyang mga magulang sa himpilan ng pulisya para pormal na magsampa ng kaso laban sa suspek.

Agad naman nagsagawa ng manhunt operation ang pulisya na nagresulta sa pagkakadakip sa suspek.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">