Advertisers

Advertisers

‘Pagkakaisa’, sinisimbulo ng kumpletong tiket ni VM Honey at Cong. Yul

0 323

Advertisers

SINABI ni Manila Vice Mayor Honey Lacuna at ng kanyang runningmate na si third district Congressman at deputy House Majority Floor Leader Yul Servo na ang kanilang kumpletong tiket ay sumisimbulo ng pagkakaisa sa lungsod ng Maynila.

Sinabi ni Lacuna na sa kanikang lineup para sa city councilors, ay sinamahan sila ng apo ng namayapa at dating alkalde ng Maynila na si Mayor Alfredo Lim, na si Nino dela Cruz na tatakbo sa unang diatrito bilang Councilor.

Ang anak din ni dating Manila Mayor Lito Atienza na si Maile ay isa rin sa kandidato sa pagka-Konsehal sa hand, third district at inaasinta ang kanyang ikalawang termino.



Maging ang apo ni Mayor Atienza na si Nico ay kabilang sa tiket ng mga konsehal para sa fifth district.

Si ouncilor DJ Bagatsing na isang reelectionist bilang konsehal sa fourth district ay pamangkin ng yumaong Manila Mayor Ramon Bagatsing habang si fifth district Councilor Mon Yupangco, na isa ring reelectionist ay pamangkin ng yumaong Manila Mayor Mel Lopez.

Samantala ang reelectionist na si Congressman Edward Maceda (fourth district) ay anak ng yumaong Senator Ernest Maceda na siyang pinakamalapit kay dating President at dating mayor din ng Maynila na si Erap Estrada.

Ang tandem nina Lacuna at Servo, na tatakbo bilang Manila Mayor at Vice Mayor sa ilalim ng lokal na partidong Asenso Manileno na itinatag ng ama ng bise alkalde na si dating Vice Mayor Danny Lacuna, ay ang nag-iisang team na may kumpletong lineup, na kinabibilangan ng mga kandidatong anim sa Congressional districts at 36 na kandidato sa pagka-Konsehal.

Si Lacuna ay nagsisilbi bilang Vice Mayor ng Maynila sa ikalawang termino, Servo naman ay gayundin sa kanyang ikalawang termino bilang lCongressman ng third district ng Maynila. (ANDI GARCIA)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">