Advertisers
DUMATNG na sa Thailand ang Philippine men’s national volleyball team Miyerkules para sa Asian Men’s Club Volleyball Championship, na magsisimula ngayong Biyernes sa Nakhon,Ratchasima.
Ito ang unang opisyal kumpetisyon ng men’s team simula mag second- place finish sa 2019 Southeast Asian Games sa Manila.
Ibabandera ng team ang pangalang Rebisco, at si Dante Alinsunurin ang coach.
“We always focus on team effort in every game,” Wika ni Alinsunurin bago umalis Martes ng gabi.. “It is very important for us to compete to sustain the gains of our men’s volleyball program.”
Ang Rebisco ay sa Pool A kapangkat ang Iran’s Foolad Sirjan,Quatars Al-Arabi,Thailand’s Diamond Food at Uzbeskitan’s AGMK.
Habang ang sa Pool B ay ang Thailand’s Nakhon Ratchasima QminC, Sri Lanka’s CEB, Kazakhstan’s Burevestnic Almaty, Kuwait’s Kazma at Iraq’s South Gas.
Ang top two teams sa bawat pool matapos ang preliminaries ang papasok sa semifinals.
John Vic De Guzman ang gaganap na team captain, habang sina Rex Intal, Mark Alfafara, Ricky Marcos, Ish Polvorosa, Jessie Lopez, Kim Malabunga, Francis Saura, Josh Retamar and Jao Umandal ay babalik sa national team.
Ysay Marasigan, na naglaro sa 2015 SEA Games, ay babalik para katawanin ang bansa, habang sina Nico Almendras, Manuel Sumanguid at JP Bugaoan ay sasabak sa kanilang senior debut.
Ang Pilipinas ay maglalaro na wala ang kanilang ace spikers Marck Espejo at Bryan Bagu-nas,na kasalukuyang naglalaro sa FC Tokyo at Oita Miyoshi, ayon sa pagkakasunod sa Japan’s V. League.
Ang magwawagi sa isang linggong tournament ay kwalipikado para sa FIVB Volleyball Men’s Club World Championship .