Advertisers

Advertisers

6 patay, 38 naospital sa ‘pagtatae’

0 510

Advertisers

NASAWI ang anim katao at 38 ang naospital sa diarrhea outbreak sa bayan ng Manay, Davao Oriental.

Ayon sa provincial government ng Davao Oriental, 26 ang nakarekober habang dalawa ang naka-admitt parin sa Davao Oriental Provincial Hospital – Manay.

Dalawa sa mga namatay ay napag-alamang nakaranas ng matinding dehydration.



Nagsasagawa na ng imbestigasyon ang lokal na pamahalaan sa sanhi ng outbreak.

Namahagi na ang LGU ng chlorine at iba pang water purifying tablets at inabisuhan ang mga residente na iwasan munang inumin ang tubig mula sa kanilang mga gripo hangga’t hindi pa matiyak na ligtas ito.