Advertisers

Advertisers

AJ at Aljur obyus na magdyowa na pero dine-deny pa

0 529

Advertisers

Ni JOVI LLOZA

NANINIWALA si Bea  Alonzo na pantanggal ng anxiety at pang rejuvenate ang pagpunta sa dagat.

Kaya balak iselebreyt ni Bea ang kanyang 34th birthday sa dagat.



At dahil nga sa nararanasan na kaganapan sa bansa na ewan lang kung mapayagan ang marami.

Gusto ni Bea na 3 or 5 days mag-stay sa dagat para ipagdiwang ang kanyang kaarawan.

Pero imposible nga raw mangyari yun dahil sa dami nga raw naka-line up na project ng actress.

Dumagsa ang proyekto ng magandang aktres matapos nitong pumirma ng kontrata sa GMA-7.

Pero trip nga raw talaga ni Bea na sa dagat ipagdiwang ang kanyang kaarawan at nakiusap  ang kampo nito sa bashers na wala mga raw basagan ng trip.



Hmmmp!?

***

SA pag-amin ni AJ Raval na nanliligaw sa kanya ang ex ni Kylie Padilla na si Aljur Abrenica, gusto raw tumili ng walang sound ang netizens sa pagkalat ng pics sa socmed nina AJ at Aljur sa isang mall.

Mukha kasing nabilisan ang netizens at nag past forward sa larawan  ng dalawa na nag-viral sa socmed.

May nanliligaw ba raw na magkahawak kamay at magkaakbay na nasa mall?

At marami ngang naka-spot sa lovey dovey scene ng dalawa. Kaya kutob ng netizens na sa pag-amin ni AJ na nanliligaw pa lang si Aljur ay dyowa na niya ito.

Baka di na napigil ang tibok ng puso at tinamaan na rin ng lintek si AJ kay Aljur.

May ganun!? Well, well, well…’Yun na!