Advertisers
Kapag sinabi ng isang tao na karera ay ibig niyang tukuyin yung sa kabayo. Eka nga ng balana ay ito ang king of sports.
Pero may race rin ng pagong. Irony. Yung mga mabagal may paligsahan na pabilisan. Hahaha!
Dito ang atin nais na ipakahulugan ay yung presidential contest. Last day kasi ng filing kahapon.
Humabol sigurado ang marami. Nguni’t mayroon pang hanggang ika-15 ng Nobyempre para sa mga accredited na partido na palitan ng iba ang kanilang kandidatong orihinal.
Habang sinusulat natin ang pitak na ito ay 16 na raw nagpalista sa pinakamataas na posisyon.
May mga malalaking pangalan at may mga unknown na malamang ay tanggalin sa listahan mismo ng Comelec.
Yung mga major player ay sina Leni Robredo, Manny Pacquiao, Isko Moreno, Panfilo Lacson at Bongbong Marcos.
May ulat na may mga tao noong Biyernes sa may Sofitel Tent na naghahantay magpalista si Sara Duterte.
Kaya bale limang major names. Lacson, Marcos, Moreno, Pacquiao at Robredo ang nasa starting gate na at handa na para sa kanilang pagtakbo. Ang mauuuna ay magigiging ika-17 na presidente ng Pilipinas.
Llamado ayon sa survey si Sara. Kaso wala pa sa talaan at maaga pa. Sumunod sina BBM, Isko at Mane.
Bagama’t dehado si Robredo pero may ipinakitang kakaibang lakas noong Huwebes. Pink na pink ang mga social media dahil iyon ang campaign color ni Leni.
Hayan very fluid ang race. Mahirap mag-predict.
Siyempre kung tayo ang tatanungin doon tayo sa most qualified at best prepared. Yung matino na, mahusay pa. Tapos may puso at maganda pa ang hangarin. Aba’y apprenticeship na ang pagiging VP niya. Sangkaterba mga proyekto kahit ang liit ng budget. Wala rin bahid ng katiwalian. Hindi bastos, hindi sinungaling, hindi manloloko at hindi traydor. Hindi lesser evil.
Maria Leonor Gerona Robredo po. Walang iba.
***
Dalawang sunod na talo ang Lakers sa pre-season game. Olat sila na sa Brooklyn, napataob pa ng Phoenix.
Nguni’t ayon kay Pepeng Kirat wala pa naman diyan sina LeBron James at Russell Westbrook kaya huwag mabahala ang Laker Nation. Hinay-hinay lang daw si Coach Frank Vogel sa pagrenda ng laban.
Siyempre nag-aadjust pa sila. 3 lang ang nagbabalik sa koponan. Tingnan natin sa pagbubukas ng regular matches.
Doon malalaman natin kung malakas o mahina o matanda na talaga. Hehehe.