Advertisers
NASAWI ang mag-lola at dalawa ang malubhang nasugatan nang gumuho ang ikalawang palapag ng isang kinukumpuning bahay sa Barangay Sabatan , Orion, Bataan.
Kinilala ang mga nasawi na sina Maria Theresa Fernandez, 61 anyos, may-ari ng bahay; at apo nitong si Lhencesca Fernandez, 7.
Nasugatan naman ang kaanak nilang si Leonardo Fernandez at 60-anyos na helper na si Lito Bautista.
Sa imbestigasyon, bago naganap ang insidente,3:00 ng hapon abala sa paggawa sa ikalawang palapag ng bahay sina Fernandez at Bautista, habang nasa ibaba ng bahay ang maglola, nang biglang gumalaw ang ginagawang flooring at bumagsak, nadaganan ang maglola.
Posibleng hindi kinaya ng ginamit na bakal ang bigat ng flooring na kanilang ginagawa dahilan para bumigay ito at gumuho.
Inabot ng halos tatlong oras bago maiahon ng rescuers ang mag-lola.