Advertisers

Advertisers

Magnanakaw natuhog sa bakod na bakal

0 382

Advertisers

NAKABALIKTAD na sinaklolohan ang isang lalaki nang matuhog sa bakod na bakal ang kaniyang binti sa Oton, Iloilo.

Hinala ng mga nakatira sa bahay, posibleng pagnanakaw ang pakay ng lalaki.

Kinilala ang lalaki na si Genald Magallanes na patuloy na nagpapagaling sa ospital.



Sa ulat, dis-oras ng gabi nang makarinig ang pamangkin ng may-ari ng bahay sa Barangay Poblacion South na may humihingi ng tulong.

Sinabi ng isang tauhan ng barangay na pinuntahan niya ang lugar na pinanggalingan ng humihingi ng tulong. Nang ilawan niya ito, nakita niya ang lalaki na nakasabit na pabaliktad sa bakod. Kaya nagpatawag siya ng rescue team para maialis sa pagkakatuhog ang lalaki.

Tumagal ng mahigit kalahating oras bago naialis ang lalaki sa kaniyang pagkakabaliktad at dinala siya sa ospital na nakakabit ang pinutol na bakal.

Pero bago pa man ang naturang insidente, sinabi ng pamangkin ng may-ari ng bahay na may nadinig na silang ingay sa kusina. Hinihinala nila na si Magallanes ito pero natakot na mahuli nang magkaroon ng ingay dahil may bumagsak na mga bato sa banyo.

Napag-alaman na dating caretaker sa bahay si Magalles.



Pinag-aaralan pa ng pamilya kung sasampahan nila ng kaso si Magalles.