Advertisers

Advertisers

May kasong parricide patay sa ‘warrant’

0 233

Advertisers

TODAS ang isang akusado ng parricide nang manlaban sa mga otoridad na naghahain ng warrant of arrest sa Barangay San Antonio, Talakag, Bukidnon, Miyerkoles ng gabi.

Ayon sa Talakag Municipal Police Station, ihahain nila ang warrant of arrest laban sa suspek na si Simon Luma-an na may kasong parricide. Pero habang palapit na sa bahay ng suspek, pinaputukan ng huli ang mga awtoridad hamit ang isang homemade shotgun, dahilan para resbakan siya ng mga operatiba.