Advertisers
The sight of allegedly sophisticated politicians parroting complete tripe trivialises and demeans government and it has to be stopped. It’s played a significant part in public disillusionment with politics and has led to the absurd situation where more people vote for ‘Strictly Come Dancing’ than voted in the general election. — Former British prime minister John Major
PASAKALYE:
Text message . . .
Iyang si ISKO, pinatakbo lang ‘yan ni DIGONG para maging magulo ang eleksyon at makakalusot ang plano nilang pandaraya. Syempre nga naman kung magiging one-on-one ang laban sa pagka-presidente, mahahalata kung dadayain nila. Pero kung maraming tatakbo, tiyak makakalusot sila. Isipin na lang ng mga magiging kalaban ng patatakbuhin ni DUTERTE, nasa kanila ang pera at makinarya at sila pa ang nakapuwesto at hawak ang pulisya at iba pang ahensya ng gobyerno—paano mananalo ang oposisyon? — Anonymous (090728934…)
* * *
AYON sa alumni ng partidong politikal ng University of the Philippines, ‘hilo’ daw si dating senador FERDINANDO ‘Bongbong’ MARCOS JR. kung inaakala nitong kaya niyang talunin si vice president LENI ROBREDO sa nalalapit na national elections sa Mayo sa susunod na taon.
Habang nakapag-anunsyo na ang anak ng yumaong pangulong Ferdinando Marcos Sr. sa kanyang desisyong tumakbo bilang presidente, nagsanbib ang mga student organization, fraternity, sorority at iba pang mga grupo ng kabataan sa UP para tuligsain at harangin ang kandidatura ni BONGBONG.
Sa unity statement, sinabi ng 31 youth group sa UP Manila na si Marcos “ay walang pansariling nagawa” at umaasa lamang ito sa “sinasabing mga accomplishment” ng kanyang ama para suportahan ang kanyang political career.
Sayang binatikos ng mga kabataan ang “desperadong tangka” ni Bongbong para makapuwesto sa pamahalaan.
Wika ng mga ito: “The power-hungry Marcos family will always jump at any opportunity to reclaim authority.”
* * *
PARA sa inyong komento o suhestyon, reklamo o kahilingan, magpadala lamang ng mensahe o impormasyon sa aking email na filespolice@yahoo.com.ph o dili kaya’y i-text n’yo na lang ako sa aking cellphone numbers na 09054292382 para sa Globe at 09391252568 para sa Smart. Salamat po!