Advertisers
Ni GERRY OCAMPO
NAGSILANG na ng baby boy si Desiree del Valle last October 4 at pinangalanan nila ng kanyang mister na si Boom Labrusca ang kanilang first baby boy na Alexander Sebastian Dunham Labrusca.
“As we welcome our bundle of joy! Alexander Sebastian Dunham Labrusca .Thank you Lord for our son,” caption ni Desiree sa kanyang post sa Instagram.
Proud daddy and husband si Boom. Pinahanda raw siya ni Desiree dahil sa pinagdaanan nitong pagbubuntis sa kanilang baby boy.
“To my wife, for carrying our baby, for being strong and for being an amazing wife, good job, mommy. Maaring nandoon tayo sa kanilang tabi ngunit kailanman ay di natin malalaman ang tunay na hirap ng pagdadalang tao. Team work makes the dream work. I love you so much,” post ni Boom.
January 2018 nang ikinasal sina Desiree at Boom. Nahulog ang loob nila sa isa`t isa nang magkasama sila sa serye ng ABS CBN na Aryana noong 2012.
Panganay na anak ni Boom ang actor na si Tony Labrusca sa dating karelasyon na si Angel Jones.
***
SA interview ni Boy Abunda sa kanyang YT channel kay Andrea Brillante ay inamin ng actress na tested siyang positive pero asymptomatic dahil wala siyang nararamdaman na kahit ano sa katawan.
Pero aminado siyang nag-struggle mentally lalo na at may insomnia at anxiety siya sa edad na 18. Sa umaga ay kaya niya pero pagdating ng gabi ay takot na siyang mag-isa.
“Wag po kayong matawa pero sobrang lapitin po ako ng multo. Lagi po akong binabangungot. Lagi akong nagkaka-sleep paralysis. So nagkaroon ako ng fear na matulog kasi may mga tao na nagkaka-heart attack sa pagtulog nila. Hindi na sila nagigising so I believe na sa sobrang bangungot po `yun, so nagdadasal lang po ako,” pagtatapat ni Andrea at kumonsulta na siya sa therapist tungkol dito.
Dahil kailangan niyang mag-isolate ngayon ay naka-quarantine na si Andrea. Alalang-alala ang kanyang mga magulang dahil ngayon lang siya mag-isa na walang kasama.
“Gusto kong ipakita sa kanila na kaya ko. Kaya ko mag-isa. Kakayanin ko kahit mahirap,” say ni Andrea.
Napagtanto naman ni Andrea habang mag-isa na totoo ang “mind over matter.”
Napagtanto rin ni Andrea na lahat ng kanyang kinatatakutan ay nasa isip lang pala.
“Huwag mo lang isipin. Ngayon ko lang nagawa yung treatment sa sarili ko `pag di ako makatulog lagi ko lang iniisip, “No one`s gonna hurt you, Blythe.” Kasi ako lang naman yung nag-iisip na may mananakit sa akin. Pero wala naman talaga `pag di ko siya iisipin, it does not exist. It only exists when you think about it too much,” pagtatapat pa ni Andrea na mas lalong gumanda.