Advertisers
Matindi ang on-going negotiation ngayon ng kampo ng mga Duterte at Marcoses para sa Isang formidable tandem nina former Sen.Bongbong Marcos at Pangulong Rodrigo Roa Duterte para sa darating na May 9,2022 elections.
Pagbubuklod ito ng pamosong Solid North ng Luzon at ng Solid South ng Mindanao.
Alyansa din ito ng mga kilalang political clans ng bansa na susuporta kina BBM bilang Pangulo at Tatay Digong bilang Pangalawang Pangulo ng republika.
Mangyayari ito sa gagawing pagsubstitute ni PRRD sa kandidatura ni Sen.Bong Go sa partido ng PDP Laban Cusi wing.
Nauna nang nagsumite ng kanyang COC sa pagka bise president si Go na kilalang die hard supporter ni Duterte.
Sisementuhin ang alyansang Marcos- Duterte sa gagawing pagwi-withdraw naman ni Sen.Ronald “Bato” Dela Rosa sa una nitong isinumiteng COC sa pagka-pangulo nitong October 8 sa Comelec.
Magsasanib puwersa rin ang mga kandidatong SENADOR ni BBM at ang line up ng PDP Laban ng Cusi wing na inindorso ni Pangulong Duterte.
Sa local levels,mangingibabaw naman ang tinatawag na equity of the incumbent sakaling magkaroon ng conflict sa mga tatakbong kandidato ng dalawang kampo.
Ilan lamang sa mga kilalang political clans na susuporta sa BBM-PRRD tandem ay ang mga Arroyo at Pineda ng Pampanga,mga Garcia ng Cebu,Singsong ng Ilocos Sur,Mangundadatu ng Maguindanao,Enrile ng Cagayan at ilang ilang pang political bigwigs ng Southern Katagalugan at ng eastern at western Visayas.
***
PARA SA INYONG KOMENTO, REAKSYON AT SUHESTIYON, MAGTEXT O TUMAWAG LAMANG SA CP NO. 0917-823-9628 O MAG-EMAIL LAMANG PO SA mhelbaraquiel1027@gmail.com
Ugaliin rin makinig at sumubaybay sa REALIDAD Online. Monday to Friday 4pm to 5pm over Elizalde Broadcasting.