Advertisers

Advertisers

Pacquiao most trusted presidential candidate

0 455

Advertisers

HABANG papalapit ang halalan, nagsimulang magkawatak-watak ang mga partido ng mga pulitiko.

Isa itong patunay walang habambuhay na kakampi sa pulitika.

Para naman daw hindi madehado sa eleksiyon, gumagawa rin ng hakbang ang mga kapit-tuko sa puwesto.



Walang puknat ang gibaan.

Sa gitna ng mga pangyayaring ito, walang ibang nagdurusa kundi ang mga kababayan nating naghihikahos sa buhay.

Tuloy-tuloy ang pagbulusok ng ekonomiya ng bansa bunsod ng pagsasara ng maraming negosyo.

Bunga nga ng mahigpit na restrictions, marami ang nawalan ng hanapbuhay at pagkakakitaan.

Kaya naman may mga lumalabag pa rin sa protocols ay dahil lalabas at lalabas ang tao para makipagsapalaran at may maipakain sa pamilya.



Gagawa at gagawa sila ng paraan para mabuhay.

At sa harap nga nang pagbabangayan ng mga pulitiko, maraming alternatibong kandidato na patuloy na lumalakas ang tsansang manalo sa 2022 presidential polls.

Kasama na nga riyan si Sen. Manny Pacquiao na numero uno sa mga pinaka-pinagkakatiwalaan ng mga Pilipino sa hanay ng mga presidential candidates.

Ito’y batay sa isinagawang Pulse Asia survey noong nakaraang buwan.

Sa tanong sa nasabing survey na, “In your opinion, who among the following probable presidential candidates will not steal from the government?” ay pinakamarami ang sumagot na si Pacquaio.

Sinasabing sa mga na-interview, 20% ang tumugon na para raw sa kanila ay hindi magnanakaw ang Pambansang Kamao.

Nakabuntot naman kay Pacman si Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio na nakasungkit ng 12%.

Sa privately commissioned na rider question na iyon ng Pulse Asia, aba’y dito nga nakamit ni Pacquaio ang most trusted rating.

Kung susuriin nga namang maigi, walang bahid-dungis o malinis ang imahe at reputasyon nitong si Pacman.

Kilala rin naman kasing maka-Diyos ang mambabatas.

Siyempre, tumatak din daw sa isip ng mga tao noon pa ang kanyang sportsmanlike attitude pagdating sa parisukat na lona.

Hindi rin nawawala ang kababang-loob ni Pacman kaya’t nakuha ng senador ang tiwala ng mayorya ng mga Pinoy.

Maliban dito, isa rin daw sa mga salik kaya lalo pang lumakas ang hatak ni Pacquiao sa masa ay dahil sa mga media photo at videos niya kasama ang mga world leaders gaya nina dating US President Bill Clinton, ex-President Barrack Obama, President Joe Biden, at Prince Harry ng Inglatera.

* * *

PARA naman sa inyong mga sumbong, reaksyon, suhestiyon, atbp., maaari n’yo po akong i-email sa gil.playwright@gmail.com o kaya’y i-private message sa aking Facebook, Twitter, Instagram, at FB accounts. Paki-subscribe na rin po ang aking Youtube channel at Tiktok page na ‘Gilbert Perdez’. Maraming salamat at stay safe!