Advertisers

Advertisers

Quezon Gob Suarez at abogadang anak, inihabla sa Ombudsman

0 427

Advertisers

NAHAHARAP sa mga kasong kriminal at administratibo ang mag-amang sina Quezon Gobernador Danilo “Danny” n at Atty. Joana Suarez na isinampa sa Office of the Ombudsman.

Nakarating ang balitang ito makaraang isiwalat sa midya ng Citizens Movement Against Corruption, Crime, Illegal Drugs and Gambling, Inc. na pinamumunuan ni Prof. Salvador Singson-de Guzman.

Inihayag ni De Guzman na sinampahan ng kasong kriminal at administratibo sa Ombudsman si Quezon Province Governor Suarez at ang anak na si Atty. Joana Suarez.



Pokaragat na ‘yan!

Kasong kriminal at administratibo ang kinakaharap ng mag-amang Suarez na kinabibilangan ng accessory to the crime of kidnapping and serious illegal detention with rape, obstruction of justice, accessory to the crime of child abuse at paglabag sa paragraph (e) sa Section 3 ng Republic Act 3019 o anti-graft and corrupt practices act Ombudsman.

Maliban sa kasong kriminal, inasunti rin ang mag-amang Suarez mga kasong administratibo na kinabibilangan ng Grave Abuse of Authority, Grave Misconduct, Dishonesty, Oppression, and Violation of Paragraph (a,b and c) under Section 4 of RA6713.

Pokaragat na ‘yan!

Nabigyan tayo ng kopya ng mga kaso.



Ang kaso ng mag-ama ay isinampa sa Ombudsman noong Oktobre 7, ni Rose Rosario Tapiador, 53-anyos, ina ng biktimang itinago sa pangalang Jennyrose na kinidnap, ikinulong at paulit-ulit na ginahasa sa loob ng isang hotel ni Municipal Councilor Arkie Manuel Ortiz-Yulde ng Lopez, Quezon.

Sa affidavit of complaint ni Rosario, pilit umanong inaareglo ni Gov. Suarez sa pamamagitan ng kanyang anak na si Joana ang kasong kidnapping and serious illegal detention with rape at child abuse na isinampa ng biktima ka kay Yulde.

Sinabi umano ni Atty. Suarez sa mag-ina na magbibigay si Gov. Suarez ng P3-milyong na cash bilang kabayaran sa kaso ni Yulde subalit umanggi ang biktima at nanindigan siyang “hustisya ang kailangan niya, hindi pera’.

Naganap umano ang tangkang pag-areglo sa kaso ng biktima noong Septyembre 25 na kung saan pinuntahan ni Atty. Suarez ang mag-ina sa Pasig City sa tulong ni Anamarie Santiago na pinsan ni Rosario.

Sa sinumpaang namang salaysay ni Anamarie, bago niya sinamahan si Atty. Suarez sa bahay ng mag-ina ay ipinadukot muna siya ni Governor Suarez sa tatlong bodyguard niya noong madaling araw ng Septyembre 22.

Sina Rosario at pinsan nitong si Anamarie ay iniharap nitong Linggo, Oktobre 10, sa mga kasapi ng Northern Luzon Press and Radio Club, Inc. ni Prop. de Guzman na pinamumunuan ni Tom S. Oligo, Publisher-Editor ng pahayagang Bulgaran.

Ayon kay Prop. de Guzman ang pahayag ni Anamarie ay matibay na basehan ng pagkakasangkot sa kaso si Gov.Suarez at anak nito.

Ang biktima ay ikinulong at paulit-ulit siyang ginahasa ni Yulde sa loob ng isang hotel sa Rosales, Pangasinan mula Abril 17 hanggang Abril 22.

Kinasuhan na kidnapping, serious illegal detention with rape at child abuse sa Provincial Prosecutors Office ng Rosales, Pangasinan si Yulde sa tulong noong Mayo 14.

Noong Hunyo 14, ay ipinalabas ni Assistant Provincial Prosecutor Ramil J. Lopez ang resolution niya sa kaso at isinampa na ito sa Regional Trial Court ng Rosales, Pangasinan na hiwalay ang kasong kidnapping at serious illegal detention with rape na may Criminal Case No. 7345-R at paglabag ng Section 5 (b) Article 111 ng Republic Act No. 7610 na may Criminal Case No.7344-R;

Septyembre 15, nagpalabas si Judge Rosely Andrada-Borja ng RTC Branch 53 sa Rosales, Pangasinan ng dalawang warrant of arrest laban kay Yulde kung saan walang itinakdang piyansa sa mga kaso nito.

Seteymbre 20, ay inaresto si Yulde ng pinagsanib na puwersa ng Criminal Investigation and Detections Group sa pamumuno ni Lt. Col. Ariel Huesca at mga pulis ng Lopez and Catanauan Municipal Police Stations, 1st Quezon Provincial Mobile Force Company and Regional Mobile Force Battalion in Region 4-A.