Advertisers

Advertisers

5 pulis na humabol kay Jake Cuenca sibak

0 409

Advertisers

Sinibak sa pwesto ang limang pulis na sangkot sa paghabol sa kotse ng aktor na si Jake Cuenca noong Linggo.

Ayon pa kay Eastern Police District (EPD) director Police Brigadier General Matthew Bacay, mahaharap ang lima sa kasong administratibo.

“Hindi po siya part ng SOP for a police officer to use and discharge a firearm doon sa mga humahabol ng fleeing suspects.”



Matatandaang galing sa isang drug operation ang mga pulis nang mabangga sila ng kotse na minamaneho ni Cuenca.

Sa halip na huminto, nagtangka pang tumakas ang aktor kaya’t hinabol siya ng mga pulis na humantong sa pagpapaputok ng mga ito sa kanyang sasakyan.

Dahil sa pagbaril ng mga pulis may tinamaan pang Grab driver.

Samantala, sinabi ni PNP chief General Guillermo Eleazar na mananagot din si Cuenca sa pagtakas makaraang mabangga ang sasakyan ng mga pulis.

“We understand the negative sentiments of our kababayan on this issue but let us not forget why this incident happened in the first place. May isang motorista na imbis na humingi ng paumanhin at panagutan ang kaniyang pagkakamali ay gumawa ng eksenang pang-teleserye at pampelikula,” dagdag pa ng opisyal.



Nahaharap si Cuenca sa kasong disobedience at reckless imprudence.