Advertisers

Advertisers

Bea may istorya na para sa kanila ni Marian

0 300

Advertisers

Ni WALLY PERALTA

HINDI na kailangan pang gawin ni Bea Alonzo, ang mag-isip o gumawa ng storyline para sa isang proyekto para makasama lang ang actor na gusto niyang  makatrabaho for the first time.

Sa kaso kasi ng new found friend niya sa bakuran ng Kapuso Network na si Marian Rivera-Dantes ay mismong si Bea ang nag-isip ng istorya na babagay sa kanila ni Marian para mag-join force sa isang project. At ready na siyang iprisinta ito sa Kapuso management.



“I actually have a concept in mind [for me and for Marian], ku-kwento ko na lang sa mga bosses…  Sana!”, say ni Bea.

Habang wala pa yung dream project ni Bea para sa kanilang dalawa ng bagong pren na si Marian, tututok na muna ang aktres sa movie na pagsasamahan nila ni Alden Richards na isang Pinoy adaptation ng Korean hit movie na ‘A Moment To Remember’.

Ano kaya sa palagay ni Bea ang magiging factor para tanggapin ng masa ang bago niyang ka-loveteam na si Alden? Malaking challenge rin ito sa super blockbuster movie nina Alden at Kathryn Bernardo na “Hello Love Goodbye”.

“Ako, naniniwala ako sa sinasabi nilang ‘You cannot fake chemistry. You can create it’.

“Kahit sinong i-partner sayo, falling in love is an emotion. And, if you are a good actress, may chemistry kayo because people will see it through your eyes that you are in love,” say pa rin ni Bea.



Open din si Bea na maka-loveteam ang mga young Kapuso actor.

“I don’t want to put myself in a box, so I want to do different things as much as I can and,  I’m also looking forward to be working with Kapuso stars that I’ve never worked with before and even the younger ones like sina Ruru Madrid, si Derrick Monasterio,” dagdag na say ni Bea.

***

KUYA KIM NILINAW ANG PAGLIPAT SA SIYETE MULA SA DOS

MASASABING praktikal lang ang Kuya ng Bayan na si Kuya Kim Atienza sa ginawa niyang  pagtalon sa Kapuso Network matapos halos ang 17 taon niya sa Kapamilya Network.

Hindi man diretsahang sinagot ang tanong kung bakit nag-ober da bakod siya sa Siyete ganung masasabi na super loyal siya sa Kapamilya Network.

Tatlo agad ang shows na gagawin ni Kuya Kim at talagang maximum exposure ito para sa kanya.  He will have a segment in ’24 Oras’ and two shows, ‘Mars Pa More’ and ‘Dapat Alam Mo’.

Sa isang panayam kay Kuya Kim ay sinabi na niya ang tunay na dahilan kung bakit nagawa niyang tumalon sa kabilang istasyon

“Kung isa kang theater actor, you are doing your purpose, and you are at your best when you have an audience. Puno ang teatro. Pinakamasarap umarte ang artista sa teatro kapag puno ang teatro. Kung walang laman sa teatro, kahit anong arte mo, kahit anong husay ng pag-acting mo sa teatro, maaari mong gawin.

“Pero hindi yun ang purpose mo, e. Ang purpose mo is to be seen by the most number of people, to see what you’re doing with your art. Ganun din kami sa telebisyon, ganun din kami sa broadcasting. And to be given that opportunity right now is the right thing to do. Yun ang dahilan ng aking paglipat.

“Makikita na naman ako ng ordinaryong tao. Magandang dahilan yun. That’s the purpose of broadcasting,” say ni Kuya Kim.