Advertisers
Naputol ang ulo ng isang sanggol habang pinapanganak sa Abra.
Ayon sa ina, sinabi lamang sa kanya ng isa sa nagpaanak na namatay na ang kanyang sanggol.
Ngunit hindi naman sinabi na naputol ang ulo nito at nakita na lamang pag-uwi ng bahay.
Ikinokonsidera naman ng pamilya na magsampa ng reklamo laban sa Abra Provincial Hospital.
Samantala, handa naman ang ospital na harapin ang isasampang kaso habang isinasagawa na ang imbestigasyon sa insidente.
Base sa panig ng mga opisyal ng ospital, namatay ang sanggot sa loob ng sinapupunan ng ina at kinailangang tanggalin upang mailigtas ang buhay ng ina.
Samantala, pinagpapaliwanag na ng attending physician ng biktima.