Advertisers
LEGAZPI CITY – Nasakote na ng mga awtoridad ang pang-siyam sa pinaka-wanted person sa lungsod ng Ligao na isang call center agent.
Kinilala sa pangalang “Paul Art”, 31-anyos, binata, call center agent, at naninirahan sa P4, Brgy. Layon ng nasabing lungsod.
Inaresto si Paul Art sa kanyang tinitirhan nang ihain ng mga tauhan ng Ligao CPS ang Warrant of Arrest na ipinalabas ng korte na may petsang Setyembre 28, 2021, para sa kasong paglabag sa Sec 7 ng RA 9165 at paglabag sa Sec 15 ng kaparehong kaso, sa ilalim ng Criminal Case No. 8280 for “Service of Sentence.”
Kasalukuyang nasa pangangalaga ng nabanggit na himpilan si Paul Art para sa dokumentasyon at tamang disposisyon.