Advertisers

Advertisers

Karapatan ng mga OFW isusulong ni Idol pag nasa Senado na

0 295

Advertisers

Ni BLESSIE K. CIRERA

INIHAYAG ni independent senatorial candidate Raffy ‘Idol’ Tulfo sa kanyang solo presscon nitong nakaraang Sabado, Oct. 9, na ang karapatan at kapakanan ng manggagawang Pinoy dito at sa ibang bansa ang mga panukalang isusulong niya sakaling mahalal na siya sa Senado.

“Araw-araw sa aking programa, karamihan sa mga lumalapit ay mga OFW at manggagawang nakaranas ng pang-aabuso sa kanilang employers at hindi nabigyan ng tamang sweldo o benepisyo. Panahon na upang tuldukan ito,” sabi ni Idol na kilala sa pagtulong sa mga Pinoy sa kanyang mga public service program sa radyo, TV at online.



Sey pa ni Raffy,  una anya sa listahan ng legislative agenda niya ang paglikha sa Department of OFWs na tututok sa pagbabantay sa kapakanan at proteksyon nga mga Pilipinong nagtatrabaho sa ibang bansa.

“Isa iyan sa mga gagawin kong una–una sa mga agenda ko na pag-usapan at talakayin at ipu-push ko na dapat iyan maisakatuparan na iyong tinatawag nating Department of OFW na magbibigay ng malawakang proteksyon sa ating OFWs,” ani Tulfo.

Idinagdag pa nito na magbabalangkas umano siya ng panukala na magpaparusa sa mga local employer na hindi makapagbabayad ng tamang suweldo at benepisyo sa kanilang mga manggagawa.

Nangako rin si Tulfo na dadalhin sa Senado ang pagtugon sa pangangailangan ng mga Pinoy.

“Dadalhin natin sa Senado ang serbisyo kung saan tayo nakilala ng mga Pilipino. Iyong serbisyong ngayon na, hindi mamaya na,” sabi pa ni Raffy.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">