Advertisers

Advertisers

Kylie Padilla pinuri sa pagiging sport sa romansang Aljur at AJ

0 540

Advertisers

Ni JOVI LLOZA

IMBES na magputok ang butsi ni Kylie Padilla sa nagkalat na sweet photo ng bagong pag-ibig ng ex-hubby na si Aljur Abrenica, si AJ Raval, ikinagulat pa ng netizens ng i-like pa ng una ang larawan ng dalawa.

Kalat din ang pics nina AJ at Aljur na magka-holding hands while walking sa isang mall.



Nilinaw ni Kylie na nakapag-usap na nga raw sila ni Aljur about dating others.

Pagmamalaki pa ni Kylie na move on na siya at matagal na nga raw ang hiwalayan nila ni Aljur, nung Abril pa.

Nakiusap naman ito sa mga nagde-depend sa kanya na huwag na nga raw mag-drag pa ng ibang name dahil move on na ito.

Kinabiliban naman si Kylie ng netizens sa bilis ng pagka-move on nito at pagiging sport.

Ang mahalaga nga raw ay magkaroon man ng bagong pag-ibig si Aljur, deserving naman ito na lumigaya at humanap ng bagong pag-ibig na tanggap na ng anak ni Binoe.



Napansin naman ng netizens na mas lalong naging pretty si Kylie nang maghiwalay na sila ni Aljur.

Natawa na nga lang si Kylie kung puwede sila mag-work together ng ex na si Aljur sa isang project.

Isa na lang ang tugon nito,  ‘I’m happy for him.’

***

MISTER NI ALEX SUMAGOT SA IG POST NI MANAY LOLIT

RESPETO, ito ang resbak ni Mikee Morada sa post sa IG ng beteranang talent manager at showbiz columnist na si Lolit Solis.

Tila ‘di nito nagustuhan ang post ni Manay Lolit sa kanyang socmed regarding sa nakunan daw si Alex Gonzaga.

At bakit ayaw pa sabihin at sa vlog pa raw ito sasabihin ng mag-sis na Toni at Alex Gonzaga.

Di nagustuhan ni Mikee ay yung post na para raw gusto pang pagkakitaan at sa kanila pang vlog ire-reveal.

Kaya niresbakan ni Mikee ang talent manager at sinabi na respeto naman daw sa ganitong sitwasyon pa ginagawa ang mga kuwento na ‘di naman daw alam ang tunay na pangyayari.

Sa panayam before sa couple ay 2 kids lang ang gusto nila at 5 years from now pa raw ‘yun mangyayari. At pinaplano nga raw ang pagbuo ng pamilya.

Tahimik naman ang kampo ni Manay Lolit sa patutsada sa kanya ng mister ni Alex.

Well, well, well…’Yun na!