Advertisers

Advertisers

Lalaking orbitero pinatay ng padyak boy

0 337

Advertisers

Naulila ang kinakasama at ang 4 na buwang gulang na anak ng 19-anyos na lalaking namatay nang saksakin ng tricycle driver sa Las Piñas City.

Kinilala ang biktima na si Michael Baracena, hardinero.

Sa ulat, nadiskubre ang katawan ni Baracena malapit sa pila ng mga tricycle sa Pilar Road sa Barangay Almanza Uno madaling araw ng Sabado.



Sinaksak si Baracena sa leeg at nakabukas nang bahagya ang kaniyang pantalon. Ilang metro mula sa biktima, nakita naman ang mga dugo sa isang inidoro at pader ng palikuran.

Ayon sa kinakasama ng biktima na si Angelica Domingo, nagpaalam sa kaniya si Baracena na pupunta sa bahay ng biyenan. Pero hindi na siya umano nakapunta roon.

Inaresto ang salarin na si Abiel Ralph Diaz, 35, alyas Rap-Rap, nang makita sa crime scene. Agad siyang umamin sa krimen at itinuro ang kutsilyo na ginamit panaksak.

Sabi ni Diaz, ilang beses siyang hiningan ng pera ng biktima kaya niya ito sinaksak sa inis dahil wala naman siyang maibigay.

Dagdag niya, magkaibigan sila ng biktima, pero ayon sa kinakasama hindi niya kilala ang salarin.



Ayon sa pulis, wala namang record si Diaz sa pulis o barangay.

Sinampahan na si Diaz ng kasong murder.