Advertisers
Nasabat ang nasa P6.8 milyong shabu sa ikinasang buy-bust operation sa Angeles City, Pampanga.
Base sa Angeles City Police Office, naganap ang operasyon sa Henson St. sa harap ng isang istasyon ng bus, sa Brgy. Lourdes Northwest.
Naaresto naman rito ang 30-anyos na suspek na kinilalang “Jeff”, residente ng Quezon City.
Nakuha sa suspek ang isang kilo ng shabu na nagkakahalaga ng P6.8 milyon.
Samantala, mahaharap naman ito sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act.