Advertisers
Inaresto ng mga elemento ng Philippine National Police Integrity Monitoring and Enforcement Group (PNP IMEG) ang isang pulis sa pangongotong sa kamag-anak ng drug suspek sa isinagawang entrapment opetstion sa San Mateo, Rizal.
Kinilala ni BGen Flynn E. Dongbo, Dir. PNP IMEG ang inaresto na si SSg June A. Angeles nakatalaga sa San Mateo Police Station.
Ayon kay Dongbo, 4:15 ng hapon nang isagawa ang entrapment operation sa San Mateo Police Station na matatagpuan sa SSS Road, Brgy. Gitnang Bayan, San Mateo Rizal.
Isinagawa ang operasyon base sa reklamo ng asawa ng isang nakakulong na drug suspek ng pangongotong ng nasabing pulis.
Inaresto si Angeles nang tanggaping ang P1,000 mark money mula sa nagreklamo kapalit ng Certificate of Detention ng kanyang asawa.
Nasa kustodiya na ng PNP IMEG sa Camp Crame si Angeles at sasampahan ng kasong kriminal at administratibo.(Mark Obleada)