Advertisers

Advertisers

Pulis-Valenzuela nakapatay ng may ‘autism’, sibak!

0 287

Advertisers

INAPRUBAHAN ni Philippine National Police (PNP) Chief, Police General Guillermo Lorenzo T. Eleazar ang pagsibak sa serbisyo sa pulis ng Valenzuela City na namaril at nakapatay sa binatilyong may problema sa pag-iisip sa kanilang anti-illegal gambling operation noong Mayo.

Ipinag-utos ni Eleazar na tanggalin sa serbisyo si PSMS Christopher Salcedo kasunod ng ginawang review sa rekumendasyon ng Internal Affairs Service na ginawa ng Discipline, Law and Order Division sa ilalim ng Directorate for Personnel and Records Management (DLOD-DPRM) at ng Office of the Chief PNP.

Ayon kay Eleazar, kanyang nilagdaan ang kautusan ng pagsibak sa serbisyo laban kay Salcedo sa kasong grave miscounduct at less grave irtegularity in the performance of duty.



Si Salcedo sinampahan ng kasong administratibo kaugnay ng pagkamatay ni Erwin Arnigo, 18 anyos, na mayroon autism sa isinagawang anti illegal gambling operation sa Valenzuela City Police noong May 23. Patuloy naman ang isinagawang imbestigasyon ng NBI sa kasong kriminal laban kay Salcedo.

Binigyan diin ni Eleazar na hindi dapat inaresto ni Salcedo ang biktima dahil walang kinalaman o sangkot sa tupada.

Sinang-ayunan naman ni Eleazar ang pagbasura sa kasong administratibo tulad ng grave neglect of duty at less grave neglect of duty laban sa apat na iba pang pulis Valenzuela na bahagi ng naturang operasyon kontra iligal na sugal.

Isinaad ni Eleazar na walang matibay na ebidensya na magdiriin sa apat upang sampahan ng naturang kaso.

Una nang inirekumenda ng IAS ang 40 araw na suspensyon laban kay Salcedo dahil sa aksidente umano ang nangyari na nagresulta sa malagim na kamatayan ng biktima at ikinunsidera rin ang mga nakuha niyang parangal bilang mitigating factors. (Mark Obleada)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">