Advertisers

Advertisers

Fernando vs Alvarado, kasado na!

0 305

Advertisers

SIGURADO na ang paghaharap nina Gov. Daniel Fernando at Vice Gov. Wilhelmino Sy-Alvarado bilang mga kandidato sa pagka-gobernador sa lalawigan ng Bulacan sa nalalapit na eleksyon sa Mayo 2022.

Nakakapanabik ang banggaan ng dalawang respetadong politiko sa Bulacan makaraang kapwa maghain ng kanilang kandidatura bilang Gobernador ang magkaalyado sa politika.

Nauna nang nagpahayag ang premyadong aktor na si re-electionist Governor Daniel Fernando na gobernador parin ng Bulacan ang tatakbuhin sa 2022 national and local elections sa ilalim ng National Unity Party (NUP).



Samantalang ang dati niyang kaibigan kasangga at kaalyado na si incumbent Vice Governor Willy Alvarado, na unang termino pa lamang sa bilang bise-gobernador mula rin sa partido ng NUP ay umanib sa Partido Demokratikong Pilipino-Lakas ng Bayan (PDP-Laban) para tapatan si Gob. Fernando sa gubernatorial race sa nasabing laalwigan.

Nitong Oktubre 6, naisumite na rin ng former Bulacan Governor Jonjon Mendoza ang kanyang certificates of candidacy (COCs) sa Commission on Election sa pagtakbo bilang gobernador ng Bulacan.

Dahil naka-home quarantine si Vice Gov Alvarado matapos magpositibo sa Covid-19, ang kanyang maybahay na si dating Congresswoman Marivic Alvarado ang naghain ng kanyang COC.

Nakapagsumite na rin ng CoC sa ilalim ng PDP-Laban si re-electionist Congressman Jonathan Sy-Alvarado para sa Unang Distrito ng Bulacan.

Magugunitang sa kalahati pa lamang ng unang termino ni Gov. Fernando bilang gobernador ng Bulacan ay kinakitaan na ng unti-unting pag-distansya ni Alvarado sa matagal na panahong pinagsamahan ng dalawa bilang magkasangga at mag-partner sa paglilingkod sa mamamayan ng bulakan.



Nabatid na makailang-ulit sinubukang kausapin ni Fernando ang bise gobernador upang huwag silang magbanggaan sa darating na halalan pero naging mailap ang dating kaalyado ni Fernando.

Kasabay ng tuluyang pagtalikod ni Alvarado kay Fernando ay niyakap namang muli ni Alvarado ang noo’y matinding katunggaling si former Bulacan Governor Jonjon Mendoza na kanyang magiging bise-gobernador.

Saganang akin, talagang ganun sa pulitika, kakampi mo ngayon, maaaring kalaban mo na bukas kaya bahala na ang mga Bulakenyo na magdesisiyon kung sino ba ang karapatdapat bilang gobernador ng Bulacan — ang nagbabalik ba o ang isang masipag matulungin at mabilis umaksyon na patungo sa kanyang ikalawang termino.

Subaybayan natin!

***

Para sa inyong mga suhestyon, reaksyon at opinyon mag-email lang sa balyador69@gmail.com at ugaliing makinig sa programang “BALYADOR” at “WALANG PERSONALAN TRABAHO LANG” mula lunes hanggang linggo 11:00am-12:00noon sa RADYO NG MASA entertainment net radio. tuwing sabado at linggo 12:00nn-12:30pm sa DWBL 1242 kHz am band, tuwing martes 9:30am RADYO NATIN 105.3 FM Pinamalayan at 10:00am RADYO NATIN 102.9 FM Victoria, tuwing huwebes 9:00-10:00am sa 96.9 FM RADYO NATIN Calapan City. Mapapanood livestreaming at Youtube live!