Advertisers
POSIBLE pang mabuo ang Leni-Isko o Isko-Leni tandem.
Ito ang sinabi ng kapartido ni Manila Mayor Isko Moreno na si Caloocan City Congressman Egdar Erice sa panayam ng media nitong Miyerkules.
Noon pa ma’y nakipag-usap na si Vice President Leni Robredo kay Moreno at kay Senador Manny Pacquiao para sa kanilang “unity” para manaig sa laban kontra sa manok ng administrasyon sa darating na Halalan ‘22.
Ngunit sina Moreno at Pacquiao ay naunang nagdeklara ng pagtakbong pangulo. Running mate ni Moreno si Dr. Willie Ong na may mahigit 16 million followers sa Facebook; habang si Pacquiao naman ay kinuhang ka-tandem si Buhay Partylist Representative at dating Manila Mayor Lito Atienza.
Si Robredo naman ay nag-file ng kanyang CoC sa pagka-pangulo sa ika-huling dalawang araw bago ang deadline ng Oktubre 8 (Biyernes). Ang kanyang running mate ay si Senador Kiko Pangilinan.
Ngunit dahil pinapayagan sa batas ng halalan ang ‘substitution’ na tatagal hanggang Nobyembre 15, maari pang mabago ang takbo ng mga nag-file ng CoC.
Maging ang pag-file ng kandidatura sa pagka-pangulo ni Senador Ronald “Bato” Dela Rosa, Sen. Bong Go para sa pagka-Bise Presidente at Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio para sa reelection sa local ay pinagdududahan.
Posible umanong magwidro si Bato at si Go para kay Sara na maaring maka-tandem ni Bongbong Marcos.
Si Marcos ay nag-file ng CoC para sa pagka-pangulo pero wala itong running mate.
Sina Sara at Bongbong ay 1-2 sa presidential surveys.
Sa kaso nina Robredo at Moreno, sinabi ng huli na handa siyang makipag-tandem kay Robredo pero hindi siya bababa sa pagka-pangulo.
Hindi pa naglalabas ng reaksyon rito si Robredo.