Advertisers

Advertisers

Magic move ni Cong. Boying kumatay sa UP Security Bill

0 235

Advertisers

KUNG noong una ang mga nagsusulong na maisabatas pa ang University of the Philippines (UP) -Department of National Defense (DND) Accord ng 1989 sa pamamagitan ng House Bill (HB) 10171 o ang UP Security Act, ay nagdidiwang dahil sa pagkakapasa nito, ngayon ay nanlulumo na sila.

Dahil nga sa ginawang pagpapalusot ng panukalang batas, hindi naman ito nakaligtas sa mapanuring pagbabantay ng magiting nating mambabatas mula sa bayan ng Cavite.

Agad naghain ng Motion for Reconsideration (MR) si Cavite (7th District) Congressman Jesus Crispin “Boying” Remulla noong September 30, 2021 upang matigil ang proseso ng pagsasabatas ng nasabing panukala.



Inihayag ni Remulla, Senior Deputy Majority Leader ng Committee on Rules ng Kongreso, na ang HB 10171 ay “patay” na. At ang dating 179 na mambabatas na nagsiboto rito noong una ay nagsiboto rin sa MR na inihain ng Representante ng Cavite.

Dangan kasi, ayon na rin kay Cong. Remulla, “smuggled” ang pagkakasulong ng mga miyembro ng Makabayan Bloc sa panukalang batas nang isingit nila ito para sa ikatlo at pinal na pagbasa para maipasa ang panukalang batas habang tinatalakay ng Kongreso ang budget ng pamahalaan para sa susunod na taon.

Ang paliwanag ni Remulla dito ay habang sila raw ay abala sa pagtatalakay ng kani-kanilang budget para sa kanilang mga distrito, ipinilit at siningit ng Makabayan Bloc ang panukalang batas.

Kaya raw kanyang minarapat na ihain ang MR upang hindi maisabatas ito, na sinangayunan naman ng lahat ng 179 congressmen na unang nagsiboto rito. Nangangahulugang ang panukala ay ibabalik sa lebel ng komite partikular na ang Committee on Rules na siya niya ring pinamumunuan kung tatalakayin pang muli o hindi na ang HB 10171.

Kalokohan nga naman ang bill na yan at sinasang-ayunan ko si Cong. Remulla na nilalabag nito ang ‘equal protection law,’ at ang kanyang mosyon ay pagtatama lamang na ang dating UP-DND Accord, na pinawalang bisa ng Administrasyong Duterte sa pamamagitan ni Defense Secretary Delfin Lorenzana, ay di man lamang nga naisabatas, dahil ang kasunduan ay para lamang sa Ehekutibong sangay ng pamahalaan.



Magic move, ang ginawad ni Cong. Remulla sa diskarteng ito ng Makabayan Bloc.

At kung ako ang inyong tatanungin, magic move din ang dapat nating gawin sa Makabayan Bloc – huwag na natin silang iboto sa darating na halalan. Pangpagulo lang naman talaga sila sa ating lipunan.