Advertisers

Advertisers

Nigerian huli sa P27m droga sa Bacoor

0 285

Advertisers

Tiklo ang isang Nigerian citizen sa entrapment operation ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at pulisya sa lungsod ng Bacoor, Cavite Martes ng gabi.

Batay sa report kay PDEA Director General Wilkins M. Villanueva, ni PDEA-4A Regional Director Melvin Estoque, kinilala ang suspek na si Anthony John-Okafor y Chukwuanugo, 30 anyos.

Ayon sa PDEA, sangkot sa pagbebenta ng ilegal na droga si Chukwuanugo.



Sa ulat, nakipagkita ang mga operatiba sa kaniya sa Cerritos Heights Road, Barangay Molino 9:00 ng gabi.

Sabi ng ahensya, natunton ang suspek dahil sa pasahan ng impormasyon ng Bureau of Customs sa Port of Clark, PDEA Central Luzon at PDEA.

Nabawi sa banyaga ang 2 paper bag na may 4 na tig-isang kilong balot ng shabu na tinatayang may halagang P27.2 milyon.

Nahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Inaalam pa ang pinagmulan ng nasabat na shabu.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">