Advertisers
Arestado ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang walong katao, kabilang ang isang Malaysian National at dalawang Senior Citizen habang nasa loob ng isang drug den sa Brgy. Sto. Niño Balibago Angeles City.
Sa report na nakarating sa tanggapan ni PRO3 Regional Director PBGen.Val Del Leon, kinilala ang mga nadakip na sina Stephanie Emaas @Tisay 31; Jordan Dela Cruz y Corpin, 30; Milanio Leyva y Manaois, 57; Misa Asen y Saleha, 45 anyos (Malaysian National); Edmundo Monzor y Valderama, 62; Mark Anthony Pasukin y Dela Cruz, 31; Jonel Salvador y Ligayu, 30; at Aurelio Naigui y Ibañez, 60 anyos.
Nakumpiska mula sa mga suspek ang 15 gramo ng shabu, na nagkakahalaga ng P102,000.00 shabu paraphernalias at buy bust money.
Base sa paunang imbestigasyon ng PDEA-3 natukoy nila ang drug den sa tulong ng mga concern citizen sa naturang barangay.
Samantala paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang isasampa sa mga nadakip na suspek.(Thony D. Arcenal)