Advertisers

Advertisers

Pamangkin todas kay uncle na naglaro ng baril-barilan

0 466

Advertisers

Butas ang leeg ng isang lalaki makaraan aksidenteng mabaril ng kanyang tiyuhin habang pinaglalaruan ang baril, sa bayan ng Kabacan, Cotabato, Biyernes ng umaga.

Kinilala ang biktima na si Aries Quezada, 26 anyos; habang nadakip naman ang tiyuhin nitong si Rey Ignacio, kapwa ng Barangay New Bugasong Matalam Cotabato.

Sa report ng Kabacan Police Station, pinaglaruan ni Ignacio ang 9mm pistol kasama ang biktima nang aksidente pumutok ang baril na tumama sa leeg ng huli.



Agad naman dinala sa ospital ang biktima pero dineklara na rin itong patay ng umatending doctor nang tumagos ang bala sa likod nito.

Sa pag-usisa ng pulisya nakapangalan ang baril sa isang pulitiko sa nasabing bayan.

Kasalukuyan nanan na nasa lock-up cell ng Kabacan-PNP ang salarin at nakatakdang sampahan ng kaukulang kaso.