Advertisers
Ni JOVI LLOZA
TATLONG taon na ring magkasintahan sina Arjo Atayde at Maine Mendoza.
Kaya sa punto na ‘yun umamin ang aktor na napag-uusapan na nila ang kasal.
At hindi na nga raw sila bumabata kaya nasasama sa usapan ng celebrity couple ang kasalan.
Wish ni Arjo na si Maine na ang una at huling babaeng kanyang pakakasalan at magiging ina ng kanilang magiging anak.
Pinuri pa nga ni Arjo si Maine sa pagiging supportive nito sa kanyang pagsali sa pulitika.
At nag-promise naman ito sa gf na magiging tapat na public servant if ever na suwertehin na mapagbigyan na makapaglingkod.
Kaya naman grabeng suporta na ipinapakita ng gf at mas lalong napamamahal kay Arjo ang TV Host-actress.
Good luck sa bagong karera na tatahakin ni Arjo.
***
TRUE ba etech!? Naging tampulan ng sitsit at usap-usapan ang anak ni Vic Sotto na si Paulina Sotto.
Matapos nga ang matapang na pahayag nito kung sino ang presidente na iboboto nito, imbes nga raw ang partido ni Tito Sotto ay iba nga ang choice nito sa pagka-pangulo.
Ayon sa netizens ay karapatan naman ng bawa’t netizen na magpahayag kung sino ba ang kanilang napupusuan.
Choice ni Paulina ‘yun, ang nakakalungkot nga raw ay kung pagka-Pangulo ang tatakbuhin ng kanyang uncle at nag-iba ito ng choice dun daw ay parang teka…ayon pa sa kuda ng netizens.
Ibang posisyon naman ang tinatakbo ng kanyang tiyuhin.
Okey kaya sa kaanak nila na iba ang pinili na Presidente ng kaanak ng Sotto?
At eto na nga ang bulung-bulungan na lakas daw magpahayag ng kanyang susuportahan si Paulina.
Eh may mga sitsit na paano raw makakaboto ito kung ito ngang si Paulina ay isang American citizen? Trulili ba etechiwa!?
Well, well, well…’Yun na!