Advertisers
MARAMI ang nasorpresa nang maghain ng kanyang kandidatura bilang bise presidente ng bansa para sa local at national election sa Mayo 9, 2022 si incumbent Senator Bong Go.Siya ay sinamahan pang personal ni President Rodrigo Duterte na hindi na nagtuloy sa kanyang naunang pahayag na tatakbo siya bilang VP
Bagama’t marami pa ang posibleng mangyari hanggang Nobyembre15,2021 ay tanging siguradio, anuman ang karera pulitikal ang hangad ni SBG, panalo ay ang sambayanang Pilipino dahil bisyo na niya ang magserbisyo. GO Sen.Bong Go!.
ORIG NA ANGAS NG TONDO AT BINONDO SA BASKETBALL
TUNAY na maangas maglaro ang mga tinaguriang angas ng Tondo sa PBA na sina Onchie dela Cruz ng Tanduay noon at si Paul Lee ng Magnolia ngayon.
Pero may isang original na maangas sa ligang labas noon sa Tondo maging hanggang sa Binondo.
Si Bro Armand Quirimista, ang kasalukuyang proud official ng prestihiyosong sibikong organisasyon na MUG Brotherhood Int’l. na naka-base sa Toronto, Canada.
Kaagapay siya ni Chairman Mariolito L opez partikular sa pag-implementa ng mga programa at proyekto ng civic organization for a cause para sa kapakanan ng ating mga kababayang Pilipino saan mang panig ng mundo.
Ang spitfire 5’7” pointaguard ng Team Sto. Cristo (Binondo) ay kabilang sa champion team sa Filipino-Chinese league na Cecilio Valderama Cup.
Ang laking Tondo (Vitas) na si Quirimista ay produkto ng kampeon ding Jose Abad Santos HS. Hanga siya sa tanyag noong si Danny Florencio sa local pro-league kung saan ang kanyang laro ay naka-padron sa orig na Mr. Clutch.
Sa kasalukuyan ay isa siyang matagumpay na businessman sa Toronto at dedicated civic servant tulad din ni Ala Eh Guardian at lahat ng kaserbisyo sa MUG Canada,
Hinihimok din ni Quirimista ang mga kabataan partikular sa Pilipinas na mag-pokus sa pag-aaral at sports upang maging gabay nila sa pagiging isang kapaki-pakinabang at pangpipitagang mamamayan.