Advertisers
MULING nagpakita ng halimaw na laro si Jack Animan sa First Women’s Basketball League ng Serbia pero ang kanyang Radnicki Kragujevac ay natalo sa ZKK Kraljevo, 86-63, Linggo ng umaga sa Kraljevo Sports Hall.
Animan na miyembro ng Philippine national team, nagtapos ng double-double na 25 points at 19 rebounds, kasama ang steal sa 28 minutong aksyon.
Ang kanyang malaking numero ay nawalan ng saysay ang Radnicki ay nalasap ang ikalawang sunod – sunod na talo 1-2 win-loss card sa 12 team tournament.
Ang 22-year-old ay impresibo, na kaumamada ng 16 points at nine rebounds sa first half palang pero ang kanyang pangkat ay nakabaon sa 49-33 deficit sa break.
Kumpiyansa si Animan na matulungan ang Radnicki na malagpasan ang 7-15 finish nakaraang season at tapusin ang elimination round sa top 4 teams, para makapasok sa playoff spot.
Ang produkto ng National University ay nagtala ng 29 markers at 12 boards sa blowout loss ng Radnicki laban sa reigning title holder ZKK Crvena zvezda.