Advertisers

Advertisers

Jennica inamin, posibleng makabalikan ang mister na si Alwyn; Heart tinarget ang basher

0 261

Advertisers

Ni WALLY PERALTA

KAMAKAILAN ay buong ningning na ipinost ni Heart Evangelista sa kanyang social media account ang mga larawan na kasama niya ang mister na si Gov. Chiz Escudero at sinasabing nasa mini honeymoon ang mag-asawa. Tsikang kaya raw naisipan ng magdyowa na mag-mini honeymoon ay para magkaroon na sila ng sariling baby.

O di ba nga hindi pinalad ang mag-asawa sa unang pagbubuntis ni Heart na kambal pa ang nawala sa kanila.



Sa kabila ng masasayang larawan ng mag-asawa ay may isang basher ang nagpost ng komento na kinaiirita ng libong followers ni Heart. Maging ang Kapuso actress ay di pinalagpas ang naturang rude comment ng basher na sinasabi nitong kahit na anong honeymoon pa raw ang gawin nila ng mister ay hindi raw siya magkakaanak. Na sinagot naman ni Heart ng ganito.

“Such a low blow and why so much hatred?”

Inamin pa rin ni Heart na nag-mini honeymoon daw silang mag-asawa dahil sa mga darating na buwan ay magiging kapwa abala na sila. Si Heart na may ginagawang teleseryeng “I Left My Heart in Sorsogon” na kung nasa kasagsagan sila sa taping dahil na rin sa kakandidato ang isa sa leading man niyang si Richard Yap at may 2 pa siyang international project na gagawin samantalang ang kanyang mister naman na si Gov. Chiz ay naghahanda na sa nalalapit na national election campaign para sa senatorial race.

***

DIRETSAHAN na ngang inamin sa isang panayam ni Jennica Garcia na willing siya at may posibilidad na magkabalikan sila ng mister na si Alwyn Uytingco.



Both parties ay walang sinabi kung ano  nga ba ang tunay na dahilan kung bakit sila naghiwalay,  may nagsasabi dahil sa pera at may third party involved pero lahat ay pawang ispekulasyon lamang.

Pagkalipas halos ng ilang buwan ay heto na si Jennica na nagsasabing open siya na magkabalikan muli sila ng mister at inamin na isa ito sa panalangin lagi niya, ang balikan sana sila ng mister.

“I am very thankful to Jesus because he heard my prayers. He gave me what I was waiting for, Alwyn to come back for us,” say ni Jennica.

Hindi rin inilihim ng Kapuso actress na isa sa bidang babae sa “Las Hermanas” kasama sina Albert Martinez, Yasmien Kurdi, Thea Tolentino at Faith da Silva, na nag-uusap silang mag-asawa palagi at kahit pa noong mga unang linggo ng hiwalayan nila ay nagkaroon na sila ng komunikasyon.

Kung matatandaan ay bago palang hiwalay noon ang dalawa ay agad na humingi ng patawad si Alwyn kay Jennica at maging sa mother in law niyang si Jean Garcia. At marami ang  nagsasabing simula ng humingi ng sorry si Alwyn sa misis ay tinuloy na niya ito sa muling panliligaw sa asawa.

Maganda ito na muling nabuo ang pagmamahalan nilang dalawa lalo pa nga’t may maliliit  pa silang mga anak na dapat ay sabay nilang arugain at mahalin, as in one happy family