Advertisers

Advertisers

Kadugo pero ‘di nirespeto… Tito Sen nasaktan sa panlalaglag ng pamangking si Paulina Sotto

0 377

Advertisers

Ni PETER S. LEDESMA

BASED na yata sa Amerika si Paulina Sotto na anak ni Bossing Vic Sotto sa former model-actress na si Angela Luz.

Nakakalokah ang babaeng ito at kung anu-ano ang mga ipino-post sa kanyang IG Account patungkol sa kanyang Uncle Tito Sotto na tumatakbong Bise Presidente ni Sen Ping Lacson.



“FYI YOU ARE NOT OBLIGED TO SUPPORT OR PROMOTE SOMEONE SIMPLY BECAUSE YOU ARE RELATED TO THEM OR HAVE CONNECTIONS TO THEM. ENOUGH IS ENOUGH. IT’S TIME TO FOCUS ON WHAT OUR COUNTRY NEEDS,” at may hashtag pa  si Paulina na #LetLeniLead.

Matalino sana ang anak na ito ni Bossing kaso hindi ginagamit ang utak na walang paki kung masaktan niya at bastusin ang kadugong si Tito Sen.

Syempre, bilang tiyuhin ni Paulina masyadong nasaktan si Tito Sen sa mga pinakawalang salita  ng pamangkin na wala naman siyang ipinakitang masama. Pwede namang magpahayag ng saloobin mo at kung sino ang gusto mong suportahan pero ang ilaglag mo ang kadugo mo ay parang ‘di ugaling Kristiyano.

Hayan, dahil sa tinuran ay kaliwa’t kanan ang bashing na inaabot ngayon ni Paulina.

Isang Mark Lopez ang nag-comment sa tinuran ni Paulina kay Sen. Tito Sotto,  “So the daughter of Vic Sotto is a supporter of Madumb. That’s ok. It’s her right.



“But my question is-will it translate to that very important action-voting for her? Because ain’t she an immigrant? She is based in the US and not sure if she is even a Philippine registered voter.

“Is she’s even aware of the real score and situation here in our country. Or is the part of huge, well-orchestrated and well-funded Leni “supporters” who are not doing it because they believe, but because they were lured and made to believe.

“PS Her (Paulina) cryptic message about not necessarily supporting a relative is quite confusing. Her uncle Tito Sotto is not running for president so he is not fighting against Madumb. Wonder why has to voice it out. Is she saying na hindi nya endorse ang Team PISOT. Kawawa naman itong tandem na ito. Pati kamag-anak nilalag sila.”

Oo nga naman. Sana kasi kung may gusto o manok sa eleksyon ay huwag ng i-drag ang tiyuhin no! Naku, Bossing pangaralan mo nga ang anak mong ito at tila nawawala sa huwisyo.

***

Socialite Businesswoman Liza Dea, Proud Sa Ikinasal Na Lawyer Daughter Na Si Maureen

Nakabalik na sa mansiyon nila sa San Francisco, California ang maganda at sexy naming Amigang socialite businesswoman na si Liza Dea. Happy si Liza na inspite of Covid-19 ay nairaos nang maayos ang wedding ng lawyer daughter na si Maureen na ikinasal sa fiance nitong Irish sa Chicago.

Naluha ang Bff (Liza) namin sa saya habang pinagmamasdan na inihahatid ng kanyang Chinese millionaire husband na si Mr. Alan Dea sa altar ang anak nilang si Maureen. At bonggang-bongga ang reception dahil may sumayaw pa ng cultural dance para sa mga bisita. At ang honeymoon ng mag-asawa ay sa Mexico. Kahit nakakapagod daw ang biyahe dahil from Chicago ay dumiretso pa sila ng Las Vegas bago makabalik sa Sanfo ay happy ang kind and sweet naming friend na si Liza para kay Maureen at sa husband nito.

Sila naman ngayon ni Sir Alan ang nag-e-enjoy at chill-chill sa bakasyon nila sa isang magandang beach sa San Francisco.