Advertisers
PINASINAYAAN ng Philippine Postal Corp. (PhlPost) ang commemorative stamp ng PBA living legend at PBA superstar na si Robert Jaworski.
Ito ay kasabay ng pagsisimula ng 75th anniversary ng PlhPost.
Taong 1946 na birth year ni Jaworski nang ilunsad ng post office ang kauna-unahang stamp.
Hindi naman personal na nakadalo si Jaworski sa event dahil sa nararanasang blood disorder.
Pero ipinadala naman nitong kinatawan ang kanyang anak na si Robert “Dodot” Jr.
Kasama sa event si Postmaster-General Norman Fulgencio, Executive Secretary Salvador Medialdea, 4-time PBA MVP at Philippine Sports Commission (PSC) commissioner Ramon Fernandez at PBA commissioner Willie Marcial.
Dumalo rin ang mga players ng Barangay Ginebra na sina Japeth Aguilar, Mark Caguioa, Joe Devance, Stanley Pringle, LA Tenorio at Scottie Thompson sa naturang event.
Ang Barangay Ginebra ay ang PBA club na pinasikat ni Jaworski na siya ring pinanggalingan ng “never say die” spirit.
Nangako naman ang post office na gagawa ang mga ito ng innovations sa postage stamp designs para magkaroon ng interest at excitement ang ating mga kababayan.