Advertisers
Ni NONIE V. NICASIO
AMINADO si Sunshine Guimary na mas game at palaban na siya ngayon sa mga sexy at daring love scenes, pati na sa mga hubarang eksena.
Ayon sa sexy actress, noon daw bago niya magawa ito ay kailangan pa niyang uminom ng alak para pampalakas ng loob.
Kuwento ni Sunshine, “Ah, dati umiinom pa ako, kailangan kong malasing… ganyan. Tapos, parang may mga request ako sa director na baka puwedeng less tao, less ganito, ganyan…
“Ngayon, parang ano na, medyo nakapag-adjust na ako nang kaunti. Unang-una, nagko-communicate… siyempre si direk napaka-supportive niyan, lahat ng support ay ibinibigay sa amin.
“Kapag kuha ko na iyong gusto ni Direk at yung character, na kunyari ay ganito, ganito, na totallly naked, lalaruin natin sa ganito… kukunin ko muna iyong buong laman ng bed scene. Iyong sa umpisa, sa gitna, hanggang sa matapos iyong bed scene at kung kaya talaga, na gusto ko ay isang bagsakan lang, mas natural kasi iyong isang bagsakan na bed scene, eh.”
Pagpapatuloy pa ng aktres, “Alam mo iyon? Nagpapalitan kayo ng kiss, hugs and all, parang inaano ko na lang siya, sinasaniban ko na lang talaga ang sarili ko saka in character talaga, kailangan ay in character talaga. Minsan nababad-trip din ako, kasi kahit nag-aano ka lang, nakahubad pa rin kayo, eh… So, nandoon pa rin ang kaba, nandoon pa rin ang pressure na sana maganda ang kalalabasan ng bed scene na ito.
“Ngayon, hindi na ako ganoon kabado compared to day one, na kailangan ko pang lasingin ang sarili ko,” nakangiting wika pa niya.
Humahataw ang career ni Sunshine ngayon at isa siya sa inaabangan at madalas na atraksiyon sa Vivamax. Kaya naman nagpasalamat ang aktres sa mga fans niyang kalalakihan sa walang sawang pagsuporta sa kanya.
“To my all barako fans, I love you all. Iba ito sa makikita nila sa sexy na gagawin ko, medyo… yung pagka-daring nito, parang beyond sa mga nagawa ko sa Kaka at sa Shoot, Shoot.
“Isa ito sa matutuwa yung mga barako kong fans, at makikita nila yung serious na side ko. Less na yung medyo kalog, lukaret… more na ito sa mga serious na bagay. At sana, maging dire-diretso na ako sa mga serious na pelikula, hahaha!” Masayang wika pa ng aktres.
Ang pelikula ay ekslusibong ipalalabas sa Vivamax simula Oktubre 22, 2021. Bukod kay Sunshine, tampok dito sina Cindy Miranda, Diego Loyzaga, Mark Anthony Fernandez, Marco Gomez, Rafa Siguion-Reyna, at iba pa, mula sa pamamahala ni Direk Roman Perez.
Isa sa mga pinakapatok na vlog ang pa-house tour ng mga sikat na personalidad. Ngunit hindi malayong makatawag ito ng pansin ng mga masasamang-loob, at ang temang ito ang ipakikita ng bagong pelikula ni direk Roman na siya ring direktor ng malalakas na pelikulang Adan, The Housemaid, at Taya.
Ang House Tour ay isang sexy, heist thriller movie, ang award-winning actress na si Gabby (Sunshine) at ang kanyang asawang si Franco (Rafa), na dating manlalaro sa Olympics, ay naninirahan sa isang mala-resort na tahanan. Mula rito ay tanaw ang bulkang Taal. Bilang mga sikat na vloggers, pinagbigyan nila ang hiling ng kanilang viewers na magpa-house tour. Ang bawat sulok ng kanilang napakaganda at napakalaking bahay ay makikita sa kanilang digital channel na C Zone.
Nang nag-post si Gabby na wala ito sa bahay ng buong linggo, umaksyon na agad ang leader na si Markus (Mark), kasama ang kanyang kapatid na si Raims (Diego), ang girlfriend ni Raims na si Ely (Cindy), at ang isa pang miyembro na si Buddy (Marco), at dito mas naging kapana-panabik ang mga eksenang matutunghayan sa pelikulang House Tour.