Advertisers
Ni GERRY OCAMPO
NATUTUNAN na raw ni Kim Chiu kung paano i-deal ang mga tao na lagi siyang hina-harass. Ito ay para na rin daw sa kanyang mental health.
“Last year was the super challenging year talaga for me to deal with those people,” say ni Kim sa online interview sa kanya ng ABS-CBN.
Ang tinutukoy ni Kim ay ang “bawal lumabas” remark niya na talaga naman nag-viral nang bonggang-bongga.
Pakiramdam nga raw niya ay lahat ng kanyang gawin ay tinututukan kung ano ang kanyang pagkakamali.
“For me learned from your mistakes. And then, take care of your mental health also, protect yourself from those people who can actually hurt you. Tao rin naman kami.
“Pag may nagsasabi sa `yong, ‘Ang tanga-tanga mo,’ ang sakit sakit naman.
“Pero iniisip ko na lang, hindi naman niya ako kilala. Bakit niya ako sasabihan ng tanga? Hindi naman tayo magkakilala, so bakit ka magkakaroon ng freedom to tell me those things. Nasi-segregate ko na yong people who can actually hurt me and people who can just pass by,” aniya.
Pero alam daw niya na hindi madali ang buhay dahil kasama diyan ang ulan at bagyo sa ating buhay. Sa tagal na raw niya sa shoiwbiz ay napakarami na niyang ups and downs na pinagdaanan.
“There is no easy life. Di ba bago magka-rainbow, may ulan muna, may baha, may bagyo? So that`s part of it. Yung showbiz career, parang life line -up, down, up, down – as long as it`s doing that, buhay ka pa, okey pa yun,” say pa ni Kim.
***
NAGING tulong o mistulang naging gamot ni Yassi Pressman ang sport na surfing sa sarili para mabalance ang kanyang mental health.
Nasa Siargao si Yassi para pag-aralan ang tamang pagsu-surfing at kahit makailang beses siyang na-wipe out ay walang naging problema sa kanya. Kailangan daw talaga ng mahabang pasensiya kung gusto mo matuto ng naturang water sport.
“To find some of the best surf sports in Siargao a boat has to drop you off in the middle of the ocean, then you got to paddle to get to the waves, and on some days you got to paddle really FAAAAAR. It was hard because I wasn`t used to using so much of my upper body and going against the current just to get to the starting point, wasn`t easy at all.
“Then when I got to the line, kailangan patient ka, kasi marami pang ibang nakaabang.The actual wait for the wave makes me nervous…there is a lot of suspense and build up. When I finally dit it, the next thing I thought about was trying to balance in the rush of it all and stand up steady on the board. Or else I`ll fall. Before I actually got to ride a wave to the end, there were many moments like this.
May araw nga raw na napu-frustrate siya sa pagsu-surfing at kinukumpara niya ang surfing sa naging trabaho niya sa showbiz. Huwag mawalan ng pag-asa. Kapag natumba ka, kailangan mong tumayo para magsimula muli.
“Hope this story also encourages others to keep believing in themselves, don`t give up! Take care of yourself, your mental health, your peace, find people and places that make you happy.”