Advertisers
KUMAMADA si Allie Quigley ng 26 points, Candaca Parker at Courtney Vandersloot ay may double-doubles upang tulungan ang host Chicago Sky na itakas ang kanilang unang WNBA championship sa iskor na 80-74, victory laban sa Phoenix Mercury Linggo ng gabi.
Ang sixth-seeded Sky, na 16-16 sa regular season, ay natalo lang ng dalawang beses sa postseason at nanaig 3-1 sa finals matapos hindi paiskorin ang fifth-seeded Mercury 26-11 sa fourth quarter.
Parker, na dating MVP at WNBA champion sa Los Angeles bago lumagda sa kanyang hometown team sa off-season, ay umiskor ng 16 points, 13 rebounds at five assists, Vandersloot umayoda ng 10 points,15 assists at nine rebounds, at series MVP Kayleah Copper nagdagdag ng 10 points.
“It feels amazing. I have the whole city there. We’ve got the whole city here. It’s amazing how Chicago supports. We’re champions for life here,” Wika ni Parker.
Brittney Griner tumipa ng 28 points, Diana Taurasi at Skylar Diggins- Smith umiskor ng tig-16 points upang pamunuan ang Mercury.
Kumana si Quigley ng dalawang 3-pointers upang ilayo ang Sky 65-60 sa fourth quarter, pero agad sinagot ni Diggins Smith ng 3-pointer.
“Allie made some really big shots and got them back into the game. That definitely changed the momentum,” Sambit ni Mercury coach Brondello.