Advertisers

Advertisers

Ivana naimpluwensiyahan kaya nagpagupit nang maikli; Alden type magbago ng image

0 229

Advertisers

Ni WALLY PERALTA

BONGGANG-bongga ang  renewal of contract signing ng Asia’s Multimedia Star Alden Richards na ginanap sa isang 5-star hotel.

Sa sampung taon na pamamayagpag ng kanyang karir, ano pa kaya sa palagay ni Alden bilang aktor, ang mga role na gustong niyang gawin maliban sa pa-good boy o patweetum na bida-bida role.



Say ni Alden, marami pang roles siyang pinapangarap na gawin pero sa mga ito ay feel niya ang maipakita naman ang dark side ng kanyang ginagampanang role.

“When it comes to roles naman marami pa kong ‘di ginagawa and I’m looking forward and might be doing in the next couple of months, with GMA, of course, so tignan natin. Kasi, actually, now is the time talaga to really explore and to be more experimental on different projects kasi nga 10 years is really a long time na.

“Na-get used to ‘yung mga manonood and mga fans to watch me as the good guy, always the good boy,” say ni Alden.

Mukhang may ‘patikim’ naman si Alden sa gusto niyang role dahil sa pagbabalik sa ere ng “The World Between Us” nila nina Jasmine Curtis Smith at Tom Rodriguez ay may ‘transition’ na mangyayari sa karakter ni Alden na si Louie.

“Ngayon, we’ll give them a different flavor, lalong-lalo na sa pagbabalik ng ‘The World Between Us’. Heto kasi ‘yung role na hindi lang siya one dimensional, meaning, the start of the story goes to the conflict to the final arch.



May mga unfortunate events that will change him into a darker person that he is.

So ‘yun ‘yung nagustuhan ko, ‘yung malinaw na malinaw ‘yung transition ni Louie from the first parts of the story going to the ending,” dagdag pang say ni Alden.

***

SUPER happy and satisfied si Ivana Alawi sa kanyang first time na magpagupit ng maigsing buhok.

Aminado si Ivana na kinalakihan na niya ang pagkakaroon ng mahabang buhok at after maisipan magpagupit ay abot ang kanyang kaba pero nang  matapos naman ay naging happy ang sexy vlogger sa outcome ng kanyang buhok.

Isa sa nakaimpluwensiya kay Ivana para putulan ang kanyang buhok ay ang pagiging super fan ng isa sa member ng sikat na all-female group from South Korea, ang Blackpink na si Liza o Laliza Monaban sa tunay na buhay.

Gandang-ganda raw si Ivana sa buhok ng kanyang idol na tila hinihikayat siya na pagupit na rin. At para mas memorable ang kanyang pagma-makeover, habang ginugupitan siya ay andun ang kanyang family watching her.

Say pa  nga ni Ivana, bonding moments daw nilang magkakapatid ang araw na iyon.

Hindi rin ikinaila ni Ivana na malapit siya ngayon sa bunso nilang si Mona Alawi na may type one diabetes. Willing ate naman si Ivana na ubusin lahat ng kanyang kinikita sa  pagba-vlog para masiguro lang na gumaling sa sakit ang kanyang bunsong kapatid.