Advertisers

Advertisers

Lacson may pangako sa entertainment press

0 406

Advertisers

Ni BLESSIE K. CIRERA

HUMANGA kay Senator at Presidential candidate Ping Lacson ang entertainment writers sa speech niya matapos hiranging Outstanding Public Servant sa Star Awards 2021.

Ang Philippine Movie Press Club Inc. ang namamahala sa taunang Star Awards, na kumikilala sa husay ng mga nasa entertainment industry, at pati na ang mga natatanging public servant tulad ni Ping.



Hindi nakapagtataka na mabigyan si Lacson ng pagkilala dahil sa tapat sa pagtupad niya sa kanyang tungkulin sa 40 years niya sa public service.

Hindi rin dapat kalimutan na mula nang maging senador siya eh hindi ito tumanggap ng kontrobersiyal na pork barrel funds.

Type ng showbiz press ang ugali ni Ping dahil hindi ito echoserong pulitiko na hindi nambobola.

Napatanong nga ang ilang nakapanood ng acceptance  speech niya kung may binabasa raw ba ang senador dahil tuluy-tuloy ang pagsasalita niya.

Kahit nang mainterview siya ng showbiz press para sa pelikulang “10,000 Hours,” na inspired sa buhay niya, aminado si Sen. Ping na ang nakikita lang niyang koneksiyon niya sa showbiz industry noon ay pagkakaroon ng tatlong movie na tungkol sa kanya.



Pangako ni Sen Ping sa entertainment press, patuloy niyang gagawin ang prinsipyo niya na “leadership by example.” Ibig sabihin, kung ayaw mong maging kurap ang mga opisyal mo, dapat hindi rin  kurap ang namumuno.

Ipagpapatuloy din anya niya ang mabuting pamamahala, at  ang kanyang motto bilang tumatakbong pangulo sa May 2022 elections na: “Ang tama, ipaglaban. Ang mali, labanan.”