Advertisers
Ni ARCHIE LIAO
MATAPOS manalo ng kanyang documentary feature na “Pandemiocracy” sa Los Angeles International Film Festival noong Agosto, magpapakitang gilas naman ang award-winning Fil-Italian actor-director na si Ruben Soriquez sa larangan ng musika.
Ani Ruben, first passion niya ang musika.
Katunayan, naging aktibo siya sa isang rock band noong 1990 hanggang 2005.
Literal na nag-aral din siya ng kursong musika sa isang prestihiyosong unibersidad sa Italya.
“Music has always been my first love. I believe, it just took a backseat due to my acting commitments.But once the passion is there, it just doesn’t die, ” aniya.
“When I was studying music at Bologna’s University in Italy I would explore any genre. There was a period in which I studied the string quartets of Beethoven and the operas of Mozart, Rossini and Verdi,” dugtong niya.
Sa ngayon, muling binabalikan ni Ruben ang kanyang musical career.
Work in progress na ang kanyang first solo album na kinapapalooban ng labindalawang orihinal na awitin.
Kinompose mismo ni Soriquez, ang album ay iprinudyus ng Rome-based Studio Karamazov at inareglo ng world-class Italian composer at orchestra director na si Franco Eco.
Para sa kanyang Pinoy fans, may dalawang Tagalog songs din na tampok sa kanyang album.
“Although the album that will be released worldwide will be mostly in English, I asked the producer to include a couple of songs in Tagalog and he agreed,” pagbabahagi niya.
Ang pamosong film composer na si Eco, na kilala sa kolaborasyon niya sa mga bigating produksyon tulad ng Warner Chappell Music, EMI/Sony, Ala Bianca Group, Sky, Vatican TV at Rai, ang nag-engganyo sa kanya para gawin ang kanyang album.
Aminado rin siya na nanibago siya sa hamon na muling linangin ang kanyang musika.
“My last concert was in 2005 and finding the motivation to get back to your passion is not that easy. It’s kinda showing also the different side of your artistry,” aniya.
“But since Mr. Eco has got good distribution channels, I know that we could make a good team and offer something refreshing, ” pahabol niya.
Tulad ng paggawa ng pelikula, na-enjoy din daw niya ang proseso ng paglikha ng sariling musika.
“When I started playing my guitar again ideas started to flow as I had never stopped, I told myself: why not?”. The genre? From pop to soft-rock to jazz atmospheres. And I’d find myself just like unloading my creative side. And everything that would come out from all the experiences and places I was coming from at the time,” bulalas niya.
Ang kanyang album ay nakatakdang ilunsad sa second quarter of 2022.
Speaking of TV projects, natutuwa naman si Ruben dahil ang toprating Lizquen teleserye na “Dolce Amore” na ginagampanan niya ang papel ng padrasto ni Soberano ay muling mapapanood sa free TV via A2Z channel 11.