Advertisers
Ni ROMMEL GONZALES
MATAPANG na ibinahagi ni Thea Tolentino ang pinagdaanan niyang hindi magandang sitwasyon na may kinalaman sa kanyang mental health!
Dinanas ni Thea ito habang ginagawa niya ang pinakabagong proyekto niya sa ilalim ng GMA, ang Las Hermanas, ang bagong aabangan sa GMA Afternoon Prime.
Ayon mismo kay Thea…
“Ang pinaka naging struggle ko working on this project is more of battle with myself. Kasi nitong nag-pandemic sobrang na-rattle ‘yung mental health ko.
“‘Yung emotion ko na hindi ko alam kung ano ang uunahin kaya naging automatic sa akin na mag-shutdown na lang.
“Ayaw kong makaramdam ng kahit na ano which is a problem kasi iyon yung trabaho namin, kailangan makapagbigay kami ng emosyon,” pahayag pa niya.
Kaya naman labis ang pasasalamat ni Thea sa mga nakatrabaho niya sa Las Hermanas; ito raw ay nagsilbing pangalawang pamilya niya.
“‘Iyon ‘yung isa sa pinaka-nahirapan ako doing this project.
“Pero I’m so thankful kasi sobrang laking tulong na napakahusay ng mga nakatrabaho ko. Minsan kapag ubos na ubos talaga ako sa kanila na lang talaga ako kumakapit kasi may mga times talaga na wala akong maramdaman at all,” pahayag pa rin ng Kapuso actress.
Samantala, gaganap si Thea bilang si Minnie sa upcoming series na Las Hermanas. Makakasama niya rito sina Yasmien Kurdi bilang si Dorothy at Faith Da Silva bilang Scarlet.
Abangan ang world premiere ng Las Hermanas sa October 25 sa GMA Afternoon Prime.
***
MUTUAL ang nararamdaman ng To Have and To Hold love team na sina Luis Hontiveros at Athena Madrid sa isa’t isa.
Una nang ipinahayag ni Athena na may chance silang magka-develop-an ni Luis na sinang-ayunan naman ng huli nang sumalang siya sa “Taran-tanong” segment ng Mars Pa More noong Biyernes, October 15.
“Given na maganda and dalaga si Athena, very talented also but also nagja-jibe kami. ‘Yung humor namin, we connect in that. Makulit siya, may pagka- bully.”
Ayon kay Luis, ang pagiging bully ni Athena sa kanya ang expression ng aktres ng pagiging sweet nito sa kanya kaya sila nagkakasundo.
Parehong sumali sa reality show sina Luis at Athena.
Si Athena, kapatid ng aktor na si Ruru Madrid, ay produkto ng StarStruck Season 7. Samantalang si Luis ay galing sa isang reality game show sa kabilang istasyon.
Napapanood sina Luis at Athena bilang Daryl Manabal at Grace Ramirez sa To Have and To Hold na ipinalalabas weekdays sa GMA Telebabad.
***
NARINIG ang tinig ni Asia’s Nightingale Lani Misalucha sa “Love Together, Hope Together,” ang 2021 Christmas Station ID jingle ng GMA.
Para kay Lani, mahalaga raw ang mensahe ng awit, lalo na sa panahon ng pandemya.
“Para sa akin, ‘yung meaning ng kanta na ‘to ay talagang sinasabi na kailangang magpatuloy lang ng buhay,” pahayag ni Lani sa isang ekslusibong panayam ng GMANetwork.com.
Umaasa raw siyang maraming Pilipino ang mai-inspire kapag napakinggan ang kanta.
“There is definitely hope in everything. The very essence of it is love. ‘Yun ang magpapatuloy sa ating buhay, love and hope,” paliwanag ng beteranang singer.
Bukod kay Lani, naging bahagi rin ng kanta sina Asia’s Limitless Star Julie Anne San Jose, Asia’s Romantic Balladeer Christian Bautista, Aicelle Santos, Mark Bautista, Maricris Garcia, Rita Daniela, Arra San Agustin, Garrett Bolden, Faith Da Silva, Anthony Rosaldo, Jessica Villarubin, Hannah Precillas, Jeremiah Tiangco, Thea Astley, at XOXO.