Advertisers

Advertisers

Yassi inenjoy ng netizens ang paliligo sa poso sa Siargao

0 349

Advertisers

Ni JOVI LLOZA

SA post ni Yassi Pressman sa kanyang socmed account ay masayang-masaya ito habang naliligo.

Gulat man ang netizens sa pagligo ni Yassi sa isang poso, naging viral at trending naman ito sa socmed.



Kahit ang mga netizen ay natuwa at pinuri si Yassi.

Hindi nga raw kakikitaan ng kaartehan sa paliligo sa poso ang aktres habang nagbabanlaw after nito mag-surf sa Siargao.

Hindi nga lang daw ang pagligo ng aktres ang ini-enjoy nito kungdi ang buhay probinsiya sa Siargao ay talagang dinadama nito.

May ilang celebrity naman na napa-comment na nakyutan sa paliligo ni Yassi sa poso. Kahit ang kaibigan na si Andi Eigenmann na naka-stay na sa Siargao ay napakomento rin sa paliligo ni Yassi sa poso.

Nag-bonding na rin ang magkaibigang Andi at Yassi kasama ang mga kiddos na sina Ellie at Lilo.



Ayon nga sa netizen na nagpahabol ng komento na makakaya ni Yassi ang mabuhay ng simple lang sa ipinakita nitong paliligo sa poso.

***

Regine Velasquez feel itumba ang videoke ng makakuha ng mababang score

MISMONG si Regine Velasquez-Alcasid ay napabulalas na may daya ang videoke na ikinatuwa ng netizens nang mag-post ito ng video na kumakanta.

Gusto na nga niya itumba ang videoke nang tumambad sa kanya ang score.

Kasama naman niyang umawit ang kapatid nang magkaroon ng videoke session.

At ang ikinaloka ni Regine ay kanta na niya ang kinanta niya with Martin Nievera, ang Forever.

Kahit ang mga netizen ay naloka rin sa score ni Regine. Tila sinang-ayunan ng netizens na baka nga nadaya si Regine ng videoke.

80 lang kasi ang score na ibinigay ng videoke machine sa pagbirit nito ng sarili niyang kanta.

Sa pagmamaktol na pagkuha ng mababang score doon naman natuwa ang netizens.

Well, well, well…’Yun na!