Advertisers

Advertisers

Youtube Channel nina Mommy Pinty at Daddy Bonoy Gonzaga dinadagsa ng mga ka- Maintenance; Over 1 Million na ang subscribers

0 511

Advertisers

Ni PETER S. LEDESMA

GOING to 2 months pa lang ay nasa 1.18M na ang bilang ng subscribers nina Mommy Pinty at Daddy Bonoy Gonzaga sa official Youtube channel nilang BONOY AND PINTY GONZAGA.

Ibig sabihin ay patuloy sa pagdami ang ka-maintenance ng mag-asawa and in all fairness ay nag-click talaga ‘yung tawag nina Mommy Pinty sa kanilang viewers and supporters na ka-maintenance nga.



Na ang meaning ay ‘yung iniinom na vitamins at gamot araw-araw. Ang maganda kina Mommy Pinty at Daddy Bonoy ay walang pressure sa kanilang pagba-vlog basta ine-enjoy lang nila ‘yung content nito tungkol sa everyday life nilang mag-asawa kasama ang younger daughter nilang si Alex Gonzaga na very supportive sa kanila. ‘Yung episode 6 nila na titled: “Our Apo’s (Seve Soriano) Celebration na humamig na ng 1.4M views (still counting) na si Mommy Pinty ang nag-open ng Vlog, ay marami ang naaliw na viewers.

Kasi nga very natural mag-vlog si Mommy Pinty na totoo lagi sa sarili. ‘Yung first upload video last month nina Mommy Pinty na may titulong “BoPin’s First Vlog” ay nasa 4.4M views na as of October 17.

***

Direk Reyno Oposa Nasa More Than 10K Subscribers Na Sa Official Youtube Channel

Palibhasa kapano-panood ang YT channel ni Direk Reyno Oposa na libre kang makaka-watch ng kanyang mga pelikulang produced at dinirek sa sariling independent movie outfit na Ros Film Productions plus music videos at Live Streaming ni Direk.



Kaya hayun as of presstime ay more than 10K na ang subscribers ni Direk Reyno. Ilan sa mga movies ni Oposa na pwedeng  mapanood sa kanyang Youtube Official Channel na REYNO OPOSA ay Agulu Full movie (director’s cut) na may 9.5K views na, Taras Full Movie with 79K views, Silab Full Movie na meron ng 385K views at marami pang iba.

Soon ay inyo na ring mapapanood ang “DisiOtso Series” na pagbibidahan ng alaga ni Direk Reyno na si Alquin Gaddi at siyempre dapat ding abangan ang big movie project ng kaibigan naming director sa 2022 na “Claver: Island Of Promise,” ang teaser nito ay pwede nang mapanood sa YT channel ng said director.

***

Owner Ng Midwest Driving School Sa Kansas USA Na Si Ma’am Joyce Krull Happy And Excited Sa Pagiging Grandma

Nakita namin ang post ng aming friendship na si Ma’am Joyce Krull sa kanyang FB account na very happy and proud sila ng husband na si Sir Larry sa pagdating ng kanilang first apo o granddaughter na si Kassidy Vella. “October 11, 2021. God knows I’ve been waiting for this day and I have always been telling my friends how I wanted to be a grandma, a lola!

Yes, others wouldn’t want to be called one but to me that means that my offspring had another offspring! That means God gave me a longer life for me to have a new purpose in life! I am so happy, singing my lullaby to my daughter via and now to my granddaughter, my first apo Kassidy Vella, I can’t believe am singing and humming the same lullaby 24 years after, its surreal!

“Thank you my daughter Via Rodriguez-Panganiban and son Kevin Panganiban Grandpa Larry is the happiest!! Congratulations my friendship Joyce.”

By the way, sina Ma’am Joyce at Sir Larry pala ang owner ng in-demand na oldest driving school sa buong Kansas, USA na Midwist Driving School.