Advertisers
LEGAZPI CITY – Mahigit anim na taon na nagtago ang No. 3 Regional Most Wanted Person sa Bicol bago ito mahuli ng mga operatiba ng Legazpi CPS, PIT-Albay, Albay 2nd PMFC, at Cainta Rizal, 6:30 ng umaga sa 255D, The Cambridge Village, San Andres, Cainta, Rizal.
Sa pinaigting na “manhunt operation” ng pulisya at sa bisa ng “warrant of arrest” para sa mga kasong Estafa at Illegal Recruitment, naaresto si “Emmanuel”, 56 anyos.
Sakaling mapatunayan sa korte, hindi na makalabas pa ng kulungan si “Emmanuel” dahil walang itinakdang piyansa para sa kanyang pansamatalang kalayaan.