Advertisers
Ni WALLY PERALTA
SABI nga ni Kris Aquino sa mga isyung ayaw niyang patulan ay ‘care bear’ as in keber, at yan din ang dating ngayon sa batikang aktor na si Albert Martinez sa isyung romansang namuo raw sa pagitan niya at ng baguhang aktress na si Faith da Silva habang nasa lock-in taping ng kanilang seryeng “Las Hermanas” na kasama sina Yasmien Kurdi, Thea Tolentino, Jason Abalos at marami pang iba.
Nagsimula sa blind item ang umano’y romansa nina Albert at Faith hanggang sa tuluyan na nga itong napangalanan. Sa panig ni Faith ay hindi naman niya kinumpirma o dinenay ang tsikang ito. At para naman kay Albert, ang tsika ay tila isang nunal lang daw na ginawang mountain.
“I’ve been in the industry since 1981 as you know so I’ve heard it all before. Been there, done that. It’s okay. I’m not bothered,” say ni Albert.
Sa hindi pagsasalita noon ni Albert nang pumutok ang tsismis sa kanila ni Faith ay nasabi lang nito na naging malaking tulong daw ito para mapansin at mapag-usapan ang kanilang serye.
“It was my intention to make our characterization for the show believable and I think the speculation helped. It made the whole thing look and feel real. Nakatulong sa show I think, sa process namin so, not bad at all,” dagdag na say pa ni Albert.
At nang matanong kung open ba naman si Albert na pumasok pa sa panibagong relasyon,
“You know, I lost a loved one. But if I meet someone in the future that will make my heart beat again, why not? But now I’m just enjoying my kids, my grandchildren, and work,” say pa rin ni Albert.
***
HINDI akalain ng isa sa pinakilalang sexy young star sa pelikulang “Taya” nina AJ Raval at Sean de Guzman, na si Angeli Khang ay magiging bida na pala siya sa pangalawang pelikulang gagawin niya under Viva Films, ang “Mahjong Night” kasama sina Jay Manalo, Sean de Guzman, Arnel Ignacio, Jamilla Obispo, Mickey Ferriols at Maricel Morales.
Kaya ganun na lang ang pasasalamat ni Angeli sa pagkakataon na binigay ng Viva Films.
“Sobrang feel ko po na blessed ako dahil sa second movie ko, leading lady agad ako. Sobrang nakaka-flatter po na makasama si Sir Jay Manalo and si Sean De Guzman sa movie,” say ni Angeli.
May nagsasabing isang malaking laban daw ang ibibigay ni Angeli kay AJ kahit pa sabihin na nauna nang nagbida si AJ. Pareho silang bata at sariwa, at palaban din si Angeli sa hubaran and daring scenes. Kung si AJ ay morena, si Angeli naman ay may lahing Koreana.
“Ako at si AJ, we’re really good friends. Talagang magkaka-vibes kami from ‘Taya’ pa lang and I think, we shouldn’t compare different individuals,” say ni Angeli.
Kung si AJ ay hindi agad binigyan ng blessings ng kanyang amang si Jeric Raval sa pagpapaseksi nito sa movie, ganun din kaya ang mga magulang ni Angeli sa kanya?
“’Yong mom ko po, very supportive po talaga siya dahil ‘yong mom ko po, kasama ko dito sa Philippines. Sabi niya po sa akin as long as wala raw po akong natatapakan na tao at gusto ko ’yung ginagawa ko, support po siya hanggang sa dulo,” dagdag ni Angeli.